Biyernes, Enero 29, 2016

Writing Life

APPROVED

Bago ko makalimutan, dininig na `yong dasal ko dahil merong good news na dumating. Approved na ang manuscript ko na 'Love Like This: Sharine's Sweet Surrender'. Yup, `yong story nga ni Sharine at Dominic! Haha. This story is my first approved for 2016. Sana lang magtuloy-tuloy. Sana positive din ang result ng iba ko pang manuscript.

Praise God! ^_^

Tarush!

Sharmaine Light

My Writing Stuff

Mabuhay! Katatapos ko lang isulat ang book 3 ng The Ideal Man series ko at panibagong problema na naman ang haharapin ko. I'm torn between an old plot and a new plot. Sino sa kanila ang uunahin ko?
Plano ko kasing gumawa ng isang trilogy kahit hindi ko pa natatapos ang series ko. Lakas ng loob ko, `no? Haha. The hero is inspired by Charlie Puth kaya expect nang musically-inclined si Yno Ferrer.
Tapos itong bago naman ay merong science fiction na genre and the hero is inspired by Tadashi Hamada. I'm so torn. My goodness. Haha!

Lunes, Enero 18, 2016

Fangirling

Fanfiction!

When I started writing noong elementary ako, mga fanfiction ng favorite anime ko ang nagpi-play sa imagination ko talaga. I had fun visualising them though hindi ko ito sineryoso. I mean, noong mag-decide akong i-pursue ang pangarap ko na maging published writer, hindi ko inisip na tatanggap ng mga fanfiction ang publishing companies so I focused on writing original story ideas.

And then, I am a fan of 3D animated films, fantasy or sci-fi man `yan. Nito lang ako napabili ng mga movie since meron akong pera at mga naipalabas na ang mga pelikulang nabili ko in the previous years.

I love the Minions though ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang Big Hero 6 which was released 2014 pa. Late bloomer talaga ako. Haha. Kaya ko lang naman binili `yon ay para sa kapatid ko nang malibang naman siya.

Ayon, hindi ko in-expect na magugustuhan ko pala ng bongga ang kwento. Astig naman talaga, e. Tama nga si Hiro Hamada. The only limit is your imagination. Pero ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang character ni Tadashi Hamada, ang kuya ni Hiro. He's so super duper cool. Nalungkot talaga ako nang malaman ko na maikli lang ang part niya sa journey ni Hiro. They killed him!

Ini-expect ko na may mangyayaring twist at mabubuhay siya pero wala, e. Haha. Hindi nangyari. Heto pa, nalaman ko na si Daniel Henney pala ang nasa likod ng boses niya! Kyaah! Hahaha.

Agad akong nag-search sa mga news about its sequel at malaki ang possibility na meron nga raw. Ito pa, baka buhay raw sa sequel si Tadashi at maging villain pa. Well, I don't really care kung villain siya as long as he's alive. Naniniwala naman kasi ako na mare-redeem din siya sa huli. Chos. Tiwala lang daw, e.

So, ano ba ang silbi ng post na ito? Ayon, mahal ko na talaga ang character niya at natutukso akong gumawa ng fanfiction about him. May plot na sa utak ko at ang time frame ay noong dini-develop pa lang niya si Baymax. Hays, kakaloka, `no?

Una, si Takeru Satoh. Pangalawa, si Charlie Puth and then, s
i Tadashi Hamada. Wait, the book 1 of my series is considered fanfiction din pala pero dito ako sa tatlo napu-frustrate. I want to write them all! Sana mai-push!

Then I would be Yasha Satoh Puth Hamada. Landeee! :p

Hmm...

Patience is the best policy.

Wala. Maiba lang. Haha. Usad-pagong bilang manunulat ang simula ng 2016 ko. Sana naman hindi ako ganito buong taon, ano. Ang dami ko pang nakatengga, e. Kasi naman. Haha.

Maybe I just need something na makakapag-motivate sa `kin. Some of my co-writers, nito lang ay nakatanggap na ng good news about their manuscripts. Nagbaka-sakali rin ako siyempre kung may verdict na rin ang isa mga under evaluation but only to be disappointed kasi wala akong natanggap ni kahit na ano galing sa editorial staff. Haha. Saklap.


But I'm being patient right now. At least, I know how to wait patiently now. As in walang halong echos. Haha. Pero sana talaga this week makatanggap naman ako ng good news. Oo, good news talaga dapat. Kailangan ko ng motivation para tapusin na itong book 3 ng series ko kuno. Kailangan ko raw kasing panindigan. Nakakaloka. Haha.


Woosh!

Miyerkules, Enero 6, 2016

Writing Goals

After more than a year, nai-publish ang first book ko under PHR. I don't know,para kasing `yon lang ang sign na hinihintay ko para magsulat ng panibagong manuscript. Haha.

My goal last year ay ang makapagpa-approve ng at least 5 manuscripts pero swerteng nakaapat lang ako. Hindi na rin masama, `di ba? Hehehe.

Sa ngayon, 2 contract pa lang ang napipirmahan ko pero sana maayos na `yong 2 pa kasi excited talaga akong ma-publish ang mga `yon. At sana merong positive result `yong mga under evaluation. Woosh! Tiwala lang!

Here are the titles:

1. The Night It Rained (Be Your Everything)- To Be Published
2. So Unexpectedly [Someday We'll Know spin-off]
3. Surrender My Heart [So Unexpectedly spin-off]
4. The Ideal Man #1: Simpleng Tulad Mo- To Be Published

2016 Na!

How did I celebrate my New Year?

Yasha says:

As usual, sa bahay lang. Haha. Nagbahay-bahay, kasama ang mga kabarkada ko. Tapos inuman ng kaunti. Doon talaga ako napasubo sa videoke. Napabirit ako ng Celine Dione! Ano ba ang malay ko sa mga kanta n'on? Haha. Ayon, buti hindi ako napaos. Orayt.

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...