Fanfiction!
When I started writing noong elementary ako, mga fanfiction ng favorite anime ko ang nagpi-play sa imagination ko talaga. I had fun visualising them though hindi ko ito sineryoso. I mean, noong mag-decide akong i-pursue ang pangarap ko na maging published writer, hindi ko inisip na tatanggap ng mga fanfiction ang publishing companies so I focused on writing original story ideas.
And then, I am a fan of 3D animated films, fantasy or sci-fi man `yan. Nito lang ako napabili ng mga movie since meron akong pera at mga naipalabas na ang mga pelikulang nabili ko in the previous years.
I love the Minions though ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang Big Hero 6 which was released 2014 pa. Late bloomer talaga ako. Haha. Kaya ko lang naman binili `yon ay para sa kapatid ko nang malibang naman siya.
Ayon, hindi ko in-expect na magugustuhan ko pala ng bongga ang kwento. Astig naman talaga, e. Tama nga si Hiro Hamada. The only limit is your imagination. Pero ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang character ni Tadashi Hamada, ang kuya ni Hiro. He's so super duper cool. Nalungkot talaga ako nang malaman ko na maikli lang ang part niya sa journey ni Hiro. They killed him!
Ini-expect ko na may mangyayaring twist at mabubuhay siya pero wala, e. Haha. Hindi nangyari. Heto pa, nalaman ko na si Daniel Henney pala ang nasa likod ng boses niya! Kyaah! Hahaha.
Agad akong nag-search sa mga news about its sequel at malaki ang possibility na meron nga raw. Ito pa, baka buhay raw sa sequel si Tadashi at maging villain pa. Well, I don't really care kung villain siya as long as he's alive. Naniniwala naman kasi ako na mare-redeem din siya sa huli. Chos. Tiwala lang daw, e.
So, ano ba ang silbi ng post na ito? Ayon, mahal ko na talaga ang character niya at natutukso akong gumawa ng fanfiction about him. May plot na sa utak ko at ang time frame ay noong dini-develop pa lang niya si Baymax. Hays, kakaloka, `no?
Una, si Takeru Satoh. Pangalawa, si Charlie Puth and then, s
i Tadashi Hamada. Wait, the book 1 of my series is considered fanfiction din pala pero dito ako sa tatlo napu-frustrate. I want to write them all! Sana mai-push!
Then I would be Yasha Satoh Puth Hamada. Landeee! :p
“I don't need a cloak to become invisible.” ― J.K. Rowling, Harry Potter and the Sorcerer's Stone
Lunes, Enero 18, 2016
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
How My 2017 Went
I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...
-
Paano mag-submit ng manuscript sa Precious Hearts Romances? Noong nagsisimula pa lang akong tuparin ang pangarap kong maging published ...
-
Title: His Pastime Girl Author: Red Weasley Genre: General Fiction Publisher: Lifebooks Price: Php 115.00 Synopsis: Sandy was y...
-
CHAPTER ONE FOR THE first time after Staergen left, Rizly felt alone. Aaminin niyang nasanay na siyang aalis at uuwi ng bahay na iyon na...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento