Paano mag-submit ng
manuscript sa Precious Hearts Romances?
Noong nagsisimula pa lang akong tuparin ang pangarap
kong maging published writer, I had no one else to ask to kung paano ang mga
hakbang sa pagpapasa ng manuscript. Pero sa tulong ng internet at ni Google,
nag-research lang ako at fortunately, nakahanap ako ng mga makabuluhang blog na
napagkunan ko ng idea at mga taong pwedeng mapagtanungan. May mga aspiring
writers na nagme-message sa akin sa FB at sa abot ng aking makakaya ay
sinasagot ko ang mga tanong nila. Alam ko kasi ang pakiramdam na sarili ko lang
ang inasahan ko sa pagre-research, it was a good thing, of course. Pero kung
alam ko namang may maitutulong ako, bakit ko naman `yon ipagdadamot, `di ba?
(Naks, ang yabang ng dating, ha. -_- ) Pero dahil nakakapagod sumagot ng mga
katanungang paulit-ulit, dito ko na lang din sila sasagutin lahat.
Format ng isang
manuscript:
*Ang iyong manuscript ay dapat na kompleto na at halos
wala nang typo at grammatical errors. Imagine, kung ikaw ang editor, gaganahan
ka bang magbasa ng manuscript na hindi maayos at maraming mali? Huwag gano’n,
huwag natin silang pahirapan. Hehehe.
*Use Times New Roman bilang font, pwede ring gumamit
ng iba basta’t maayos pa ring mababasa. Size, 12, double-spaced, at Justified
dapat ang alignment. (Be knowledgeable with Microsoft Word kasi best friend na
natin siya.)
*Ngayon, kung handa na ang manuscript mo, i-attach mo
ito sa message box ng iyong e-mail account. Sa ibaba, `yong mukhang paperclip
ang hitsura, `yan ang pipindutin mo. Ngayon naman, sa subject box, pwede mong
ilagay ang For Evaluation: *title ng MS
mo* by *your name/pen name*. Doon naman sa body ng e-mail, pwede mong
ilagay ang detalye ng iyong manuscript or ang synopsis/teaser nito.
*Kung first time, magpapasa, huwag kalimutan ang resumé.
Paano gumawa ng resumé? Maraming sample sa internet. Ang mahalaga lang naman
doon ay nandoon ang complete contact details mo just in case ma-approve ang
iyong manuscript. Kung estudyante ka pa, carry lang kung simple lang ang resumé
mo.
*Ang bagong e-mail address ng PHR ay ed2rialstaff@gmail.com. Kapag nai-send
mo na ang manuscript mo, maghintay ng ilang araw para sa confirmation na
natanggap na nila ang manuscript mo. You just have to be patient dahil
daan-daang manuscript ang ini-evaluate nila buwan-buwan.
Ano ang mga kwentong
pumapasa sa PHR?
- · Nakakakilig at kapani-paniwala ang romantic development sa pagitan ng hero at ng heroine.
- · Hindi cliché o palasak ang plot. Halos lahat na ng kwento ay naisulat na sa buong mundo. Ang challenge sa`yo ay kung paano mo mabibigyan ng bagong bihis ang isang plot na magmumukhang fresh sa mata ng editor at ng mga mambabasa mo.
- · Ang conflict ay dapat na hindi masyadong mababaw at hindi rin siya masyadong malalim na para bang imposible na itong maresolba.
- Walang loopholes. Lahat ng tanong na ibinigay mo sa reader ay dapat mong bigyan ng kasagutan bago magtapos ang nobela.
- · Happy ending.
- · Original. Bawal ang kinopya lang sa iba dahil diyan tayo magkakaproblema.
- · Bawal ang taboo. Ibig sabihin, they say no to incest.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento