Lunes, Pebrero 15, 2016

APPROVED

APPROVED

Sakto lang yata ang pasok ng 2016 sa akin bilang manunulat dahil after ko makakuha ng approved, 2 return ang nakuha ko. Medyo nakakalungkot pero hindi naman `yong tipong didibdibin ko. Mas tama yatang sabihing na-motivate ako lalo. Itatabi ko na lang ang mga `yon at balikan na lang kung handa na uli akong i-rewrite siya. ^___^

Last Friday, nakuha ko na rin ang SOR para sa story nina Sharine at Dominic. I was expecting for 2 SORs at ang isa ay para sa So Unexpectedly na manuscript na July pa approved. Huhu. Sa'n  na kaya ang SOR n'on? Ang last update sa akin, ipapadala na lang, e.

Okay. So nagulat ako sa ikalawang SOR dahil para `yon sa book 2 ng The Ideal Man series. Nakakaloka! E pinaplano ko pa lang na mag-follow up kung may result na, e. Anyways, hindi ko naman ikakaila na hindi ako natuwa nang bongga. Approved na siya! Ang bilis lang! Sa ngayon, under evaluation ang book 3 at ang book 4 ay tengga pa rin. Kukuha lang ako ng bwelo. Ang sarap magpa-distract kay Daniel Henney, e. Owrayt!

Pero this month, hindi pwedeng wala siyang asenso. Huhu. Lalabanan ko  na talaga ang katamaran ko. Sayang naman, e. Major project ito para sa isang newbie writer na kagaya ko. God speed to me. May He give me the strength I need to keep going. Fighting!

Linggo, Pebrero 14, 2016

Daniel Henney

Fast Facts:
Name: Daniel Phillip Henney
Age: 36
Birthday: November 28, 1979
Profession: Actor/Model
Nationality: Korean-American

Yasha says:

I have known him since I was 13 and I never really paid attention. Nakita ko siya sa Spring Waltz noon na hindi ko rin naman nasubaybayan at `yon lang. Haha. Years later, nakita ko siya sa cover ng Stallion series ni Miss Sonia Francesca as the visual peg for Rozen Aldeguer. Doon, na-appreciate ko na siyang kaunti because he's really good-looking naman talaga. *heart-heart*

Then just last month, I bought Big Hero 6 at isa na siya sa mga all-time favorite movies ko. Because Tadashi Hamada, the character I fell in love with was voiced by Daniel Henney. Do'n na `ko napatigil dahil na-curious na ako. Ano ba ang pinaggagawa ko at madalas ko siyang palampasin noon? Haha.

Heto ngayon si ako, fangirling as its finest. Stalking-stalking din `pag may time. Ang gwapo talaga niya. Walang pangit na anggulo. Kumbaga sa ulam pa, walang tapon. Heaven. Hahaha. E di siyempre, may plot na namang sumulpot sa isip ko at ang kulit niya.


Ang plano ko ngayon, panoorin ang mga palabas niya na pinalampas ko. Huhu. The good news is, single na single siya. May pag-asa pa! Haha. Yahoo!

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...