Martes, Disyembre 29, 2015

Danny Schwarz

Fast Facts:
Name: Danny Schwarz
Age: 29
Birthday: April 17, 1986
Profession: Model

Known as the 4th most successful model in the world by Forbes in 2009.


Yasha says:
I also love this guy. I love British guys, you know. Haha. Joke. Sa'n ko siya unang nakita? Sa cover lang naman ng Warrior Clan series ni Arielle. After n'on, ginawa ko lahat para malaman lang ang pangalan niya kesyo hinalughog ko ang buong Google. Echos. Nasa fan page lang pala ng WC ang kasagutan. Inabot din ako ng isang taon.
Isa na si Danny sa mga inspirasyon ko ngayon. Humanga ako sa life story niya. Totoo nga `yong description sa kanya na he's more than just a pretty face kasi marami siyang kayang gawin bukod sa pagbibilad ng katawan at akitin ako.
He is the visual peg of the first book of the series I am writing na kahit na Charlie ang name niya doon, Schwarz naman ang apelyido ng hero kaya carry lang din.
I am hoping to meet him in person and marry him for real. Kaya lang may Charlie na nga pala ako. Sana dalawa ang puso ko. Haha.

Miyerkules, Disyembre 23, 2015

His Pastime Girl (Published)

Title: His Pastime Girl
Author: Red Weasley
Genre: General Fiction
Publisher: Lifebooks
Price: Php 115.00
Synopsis:
Sandy was young, innocent, and so full of dreams. Kahit hindi kabisado ang mabangis na lungsod ay nakipagsapalaran siya para tulungan ang kanyang pamilya. Pero hindi niya inakalang isang bangungot ang kalalabasan ng lahat. Mabuti na lamang, nang gabing iyon ay iniligtas siya ni Jeric. Hindi pa siya nakakakilala ng taong katulad nito.
He was handsome, kind, generous, and nine years older. She fell in love with him, but unfortunately, he was meant for someone else. Siguro nga ay makuntento na lang siyang maging pastime girl nito.

Yasha says:
Yay! Ito ang latest release ko for 2015. Spin-off ito ng book ko na My Kuya's Assistant at published ng Lifebooks/Night Owl/Viva Starmometer. Sana makabili kayo. Arigatou! ^_^v

Linggo, Mayo 24, 2015

[1] SO UNEXPECTEDLY

CHAPTER ONE

FOR THE first time after Staergen left, Rizly felt alone. Aaminin niyang nasanay na siyang aalis at uuwi ng bahay na iyon nang naroon lagi ang pinsan niya. Most of the time, she takes Staergen's presence for granted. Palibhasa ay siya lang ang kamag-anak nito sa Maynila kaya hindi ito lumalayo sa kaniya.

Kagagaling lang niya ng airport dahil inihatid niya ito. May problema sa pag-ibig ang pinsan niya. Nahulog ito sa hindi ordinaryong lalaki. Not that she meant Jeron as an alien. Ang kaso lang ay isang public figure ang lalaki at tinitingala ito ng lahat. At inaamin din naman niyang nahumaling din siya sa kagaya nito. And to her, it's just normal.

Yeah, it's normal to be abnormal, baby.

Lumapit siya sa refrigerator at kinuhanan ng pineapple juice in can ang sarili. Nang maisara iyon ay nilibot niya ang kabuuan ng sala.

Ano ngayon siya? Multo-multuhan nang mag-isa?

Sana nga lang ay hindi na magtagal si Staergen sa naisip nitong paglayo. Imposible naman kasi ang gusto nitong mangyari na layuan si Jeron sa ikabubuti ng career nito. Maliit lang ang mundo. At duda siyang hahayaan ni Jeron na basta na lang mawala ang pinsan niya.

"Kailan ko kaya makikilala ang Jeron ng buhay ko?" wala sa loob na sambit niya at naupo sa sofa.

Hindi naman kasi pwedeng ganoon na lang siya habang-buhay, ano. Inaamin naman niyang nagpakasubsob siya nang todo sa anumang trabahong pasukin niya sa kagustuhan niyang hindi na umasa sa mga magulang niya. Malapit na siyang mag-twenty-five. At pakiramdam niya ay katapusan na iyon ng kalendaryo niya.

Oh, well. It's time na sumubok naman siya ng ibang bagay. Sapat na ang perang naipon niya. Paano kaya kung magtayo na lang siya ng sariling negosyo niya? And then, makipagsosyo na lang siya kay Staergen kapag stable na ang mga issues nito sa buhay.


THE NEXT day, naudlot ang pagkalunod niya sa kanyang paglalabada nang makarinig siya ng sunod-sunod na pag-door bell sa labas.

"Istorbo naman," usal niya habang pinapahid sa kanyang puting T-shirt ang kamay niyang may sabon.

Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang nagdu-door bell na iyon. Tiyak niyang ang kapit-bahay lang niya iyong tsismosa na mahilig makihingi ng toyo, asin, paminta at anupamang dapat ay binibili nito sa tindahan.

Wala na siyang pakialam kahit na nakaitim na cycling shorts lang siya. Tutal naman ay maraming naiinggit sa legs niya, walang masama kung ibalandra na lang niya ang mga iyon.

Sinuklay niya ng kamay ang alon-alon niyang buhok at saka nameywang. Bahagya pa siyang natigilan nang hindi naman si Aling Rosalia ang nakatayo sa labas kundi isang pamilyar na lalaki. Simple lamang ang porma nito kung tutuusin pero halatang branded ang itim na polo shirt nito at itim ding relo.

Nahiya siya bigla sa itsura niya. Parang gusto tuloy niyang magpaalam na magpapalit ng maayos at desente pero hindi naman siguro ito magtatagal kaya hindi bale na lang.
"Hi," pabuntong-hiningang bati nito.

Hindi ito nakatingin sa mukha niya kundi sa mga hita niya.

Mga lalaki talaga.

"Sorry, hindi ako interesado sa insurance. Illegal alien ako," sabi niya at nameywang.

"Ako ang boss ni Staergen. No'ng isang araw lang, nag-resign siya sa trabaho niya."

Lumapit siya sa gate at binuksan iyon. Imbes nga lang na papasukin ang lalaki ay siya ang lumabas ng gate.

Napasipol siya sa isip nang makita sa malapit ang nakaparadang sasakyan sa likuran nito.

Kapag ito naging boyfriend ko, hinding-hindi ko na pakakawalan 'to, saloob pa niya.

"Ah," aniya pagkuwan at bahagya pang tumango. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakita niya itong boss ni Staergen pero hindi naman niya inakalang hindi hamak na gwapo pala ito sa malapitan. "Ikaw si Luisito dela Vega."

"It's Luigi dela Vega."

"Ah. Mali ako. Bakit mo hinahanap ang pinsan ko? May ginawa ba siyang hindi katanggap-tanggap bago siya umalis sa trabaho niya? Naku, pagpasensiyahan mo na sana siya. Mabigat ang pinagdadaanan n'on ngayon."

"Exactly why I'm here." Pinagkrus nito ang mga braso sa tapat ng dibdib nito at mataman siyang tiningnan. "Parang mga kaibigan na ang turing ko sa mga tauhan ko sa Spilled Paint kaya hindi ko mapigilang maging concern. Alam kong malaki ang problema ni Staergen. I want to help her kung may magagawa ako."

At magaganda rin ang brown na brown na mga mata nito. Kung hindi man isa sa mga Co brothers ang kilalang sina Jeron at Jeric ang makakatuluyan niya, ang katulad nito ay pwedeng-pwede na.

Nginitian niya ito nang matamis.

"Na-appreciate ko ang concern mo, Mister, but I'm afraid kailangan kong respetuhin ang desisyon ng pinsan ko."

Bahagyang kumunot ang noo nito.

"What do you mean, Miss..."

"Rizly. My name is Rizly June pero dahil boss ka ng pinsan ko, 'Rizly' na lang."

"Rizly. Great. Kasing ganda ng mga legs mo ang pangalan mo," parang wala sa sariling sagot nito.

Pinaningkitan niya ito.

"Sorry about that," napatikhim na sabi nito at saglit na nagbawi ng tingin.

Nilagay niya ang isang kamay sa kanyang beywang at ang isang kamay naman niya ay pinanghawak niya sa rehas ng gate.

"What were you saying again?" pag-iiba niya.

"Um, gusto kong malaman kung ano ba ang pwede kong maitulong sa problema niya. Hindi pa nakakauwi ng bansa si Jeron but he will soon. Alam mo kung gaano niya kamahal ang pinsan mo."

"Alam ko 'yon, Mister."

"Please call me 'Luigi'."

"Well, as you can see, Luigi, hindi madali ang pinagdadaanan ng pinsan ko. Kabilin-bilinan niya sa akin na walang ibang makakaalam ng desisyong gagawin niya hangga't hindi pa siya handa. Believe me, mahirap ang pinagdadaanan niya. Ako rin, gusto ko siyang tulungan. Kaya pwede bang hindi mo na muna malaman?"

"Pero bakit?" naguguluhang tanong nito.

Gusto sana niyang isampal sa mukha nitong kaibigan ni Jeron na buntis ang pinsan niya pero ayaw naman niyang magalit si Staergen sa kanya. Sekreto dapat nila iyon.

"Basta," tipid na sagot niya.

"Basta?" bulalas nito at napahawak din sa rehas ng gate.
Bahagya pang napaatras si Rizly dahil sa impact na iyon.

"Oo basta." Akmang tatalikuran na sana niya ito nang bigla na lang itong humarang sa daraanan niya. Kamuntikan nang sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito pero hindi naman nakaligtas sa matalas na pang-amoy niya ang mamahaling pabango nito.

"At least tell me where she is para mapanatag si Jeron na okay lang si Staergen," persistent na anito.

She faked a smile para itago ang pagkairita. Dahil isang call center agency ang pinanggalingan niyang trabaho ay nasanay na siyang makipag-deal sa mga makukulit at kung minsan ay hindi makaintinding customers.

"Ayaw rin malaman niya ng kahit na sino kung saan siya nagpunta. Kahit na si Jeron pa."

"So wala siya ngayon diyan?" tukoy nito sa looban.

"Kahit halughugin mo pa ang loob niyan, hindi mo siya makikita. Kaya pwede bang umalis ka na, Mister? Iniistorbo mo ang paglalaba ko, e."

"Pero--"

"But it's nice meeting you, Mr. dela Vega." Pumasok na siya ng gate at isinara iyon.

"Hindi maaayos ang problema nila ni Jeron kung lalayo si Staergen," hindi sumusukong sabi nito kaya bilib na talaga siya rito.

Pinameywangan niya si Luigi.

"Hindi naman sa nagiging kontrabida ako sa love life ng pinsan ko pero marami pa talaga akong lalabhan. Maintindihan mo sana kung hindi na kita ma-entertain."

Tinalikuran na niya ito. Ilang beses pang tinawag ni Luigi ang pangalan niya pero sa halip ay inindak na niya ang kanyang balakang habang pabalik sa loob.

Ang kulit, ha.


"ANO ANG balak mo ngayon? Saan ka na sunod na raraket?" tanong ni Geraldine. Isa ito sa mga Team Leader sa iniwang trabaho niya. Nagkita sila nito sa isang restaurant dahil day-off nito.

"Hindi ko pa alam. Siguro sa bahay lang muna at i-enjoy-in ang pagiging tambay ko. Hindi ko kasi ngayon kasama ang pinsan ko. Umuwi siya ng probinsiya dahil nami-miss na niya ang pamilya niya."

Humabi na lang siya ng kwento tungkol kay Staergen.

Ngumisi ito at marahang pinalo ang kamay niya.

"Alam mo, l-um-ove life ka na kaya muna?"

Nabitin ang pag-inom niya sa kanyang pineapple juice.

"Eh?"

"Puro ka na lang raket nang raket. Gusto mo bang magising ka na lang isang araw na nalipasan ka na ng panahon at hindi na uso iyang beauty mo?"

Wala sa loob na nahaplos niya ang pisngi.

"O-of course not!"

"Alam mo, marami akong pwedeng ireto sa'yo kung papayag ka lang."

Iningusan niya ito. Noong nagtatrabaho pa siya dati hindi sa pagbubuhat ng sarili niyang bangko ay marami-rami rin ang nagpapalipad-hangin sa kaniya at kinukulit siyang lumabas. Isa sa mga pinakapasado sana sa mga iyon ay ang nasa IT Department na si Marvin dahil gwapo ito at malakas pa ang koneksiyon sa opisina nila. Tiyuhin ba naman nito ang country manager nila. Pero tinanggihan lang niya ito. Gusto naman niyang umangat sa buhay dahil sa sarili niyang pagsisikap, ano.

"Wala akong tiwala sa taste mo, Gerl. Sorry ka na lang."

"E ano ba kasing mga type mo, ha? Bigyan mo lang ako ng criteria, ako na ang bahala sa'yo."

Hindi niya alam kung ano'ng pumasok sa isip niya at sinakyan niya ang trip nito.

"Gusto ko ng matangkad, 'yong mga six feet." Nangalumbaba siya at tila nangangarap na tumingala sa kisame. "Gusto ko 'yong simple lang pumorma pero sobrang mabango at may magarang sasakyan."

"'Yon na 'yon?" salubong ang kilay na ani Geraldine bago uminom sa iced tea nito.

"Aanhin ko naman kasi ang gwapo at saksakan ng macho kung macho rin ang type, 'no."

"Sabagay, may point ka riyan," sang-ayon ni Geraldine na may kasamang pagkibit ng balikat.

Napangisi siya. Siyempre, kahit makahanap ng ganoong lalaki si Geraldine para sa kaniya ay hindi rin niya papatulan iyon kung hindi rin lang iyon ang boss ni Staergen na si Luigi.

Kung mas nakilala lang siguro niya ito nang mas maaga at kung sa mas favorable na pagkakataon, malamang ay matagal na niya itong naakit. Pero hindi na bale, ramdam na ramdam naman niyang hindi pa iyon ang huling pagkakataon na magkukrus ang mga landas nila. Sa kaniyang simple at matalinong paraan ay 'makukuha' rin niya ito.

Titingnan lang naman niya kung pwede niya itong maging boylet.


NANG matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Geraldine ay naghiwalay na rin sila dahil kailangan pa niyang magpunta sa grocery store. Malapit nang maubos ang stocks niya and since wala nga siyang trabaho sa ngayon ay lulubus-lubusin na niya iyon. Si Staergen naman kasi ang laging gumagawa niyon para sa kaniya.

At hindi naman sinabi sa kaniya ni Tadhana na susuportahan nito ang plano niya. Hayun nga at nakita niya ang pamilyar na sasakyan ni Luigi na nakaparada na sa labas ng gate niya.
Halos magkasabay lang sila nitong bumaba ng kani-kanilang kotse.

Inihanda na niya ang mataray niyang mukha.

"Ikaw na naman?"

"I told you concerned ako sa pinsan mo at matalik kong kaibigan si Jeron."

Umikot siya sa kabilang bahagi ng kotse at isa-isang inilabas ang pinang-grocery niya na may pawang kabigatan.

"Nagsasayang ka lang ng panahon mo, Mister. Wala kang mapapala sa akin." Sinipa niya pasara ang pintuan ng kotse. "There's no way ipagkakanulo ko ang pinsan ko."

Lumapit si Luigi sa kaniya at maagap na kinuha sa kaniya ang mga grocery.

"Let me help you."

Napameywang siya at bahagyang iniliyad ang kanyang dibdib. Hindi naman sa pagmamayabang pero eksaktong thirty-six ang size ng dibdib niya, twenty-five ang kanyang waistline at thirty-six naman ang kanyang balakang. Hindi na masama para sa height niyang five feet and three inches.

At good luck na lang sa Luigi na ito kung nababasa man nito ang tumatakbo sa isipan niya.

"Hahayaan kita but don't expect me to thank you," mataray pang sabi niya. "Kayang-kaya ko naman sana 'yan kung hindi mo lang iniharang ang kotse mo riyan sa gate ko. Sana naipasok ko na ang sasakyan ko."

Mula sa dibdib niya ay nalipat ang tingin ni Luigi sa kanyang mga mata.

"Kahit hindi ka na mag-thank you basta't 'wag ka lang magtaray."

"Hmp!" ismid niya rito at nilampasan ito para mabuksan na niya ang gate.


"ILAGAY mo na lang ang mga 'yan diyan," sabi niya rito at ininguso ang mesa sa kusina.

Tahimik na sinunod ni Luigi ang iniutos niya at pagkuwan ay nagpagpag ng kamay.

Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib at nag-chin up.

"Makaalis ka na."

"Hindi mo man lang ako aalukin ng maiinom?"

"Bakit? Close tayo?"

Magsasalita pa sana ito pero sa halip ay nagkamot na lang ito ng batok.

"Okay, you're welcome."

Sinundan niya ito ng tingin nang maglakad ito sa kaniyang sala pero laking gulat niya nang imbes na dumiretso sa labas ay binuksan nito ang ref at kumuha ng pineapple juice.

Nanlalaki ang mga matang nilapitan niya ito.

"Hindi para sa'yo 'yan! Ibalik mo 'yan!" nakaduro niyang asik.

Pero nabuksan na nito ang lata ng juice at nainom nang tuluyan.

Isinara nito ang ref at ipinatong ang kamay nito sa ibabaw niyon.

"Ang taray mo na nga, ang damot pa. Kung nandito lang si Staergen, malamang sinabi na n'on sa 'kin na 'don't be shy, feel at home'."

"Oo nga, e. Wala ka ngang hiya. Pakiramdam mo talaga, bahay mo 'to!"

Imbes na patulan ay may kinuha ito mula sa kakapalang wallet nito at ipinatong sa ibabaw ng ref.

"Calling card ko. Sakaling magbago ang isip mo at makipagtulungan ka na sa amin ng kaibigan ko. Alam kong pinuprotektahan mo lang si Staergen. Ako, gusto ko silang sumaya ni Jeron."

Naglaho ang pagiging mataray niya.

"Ang kulit mo talaga. Asa ka pang gagalawin ko 'yang calling card mo."

Naglakad na ito papuntang pintuan.

"Bye, sexy."

Bye, hunky. Aw, ang landi ko talaga.

[Teaser] SO UNEXPECTEDLY

SO UNEXPECTEDLY
TEASER:
INAAMIN naman ni Rizly na isa siyang oportunista oportunistang saksakan ng ganda. Nang tinakbuhan ng pinsan niya ang lalaking mahal nito ay hindi inaasahang makita niya sa labas ng kaniyang gate si Luigi gwapo, matangkad, at higit sa lahat, may magarang kotse.
Pinipilit siya nitong sabihin sa kaniya ang kinaroroonan ng pinsan niya dahil gusto raw nitong tulungan ang kaibigan nito na nagkataong siyang tinakbuhan ng magaling niyang pinsan. Ayaw sana niyang maging traydor pero pinangakuan siya ni Luigi na bibigyan siya nito ng magandang trabaho. E nagkataon namang kare-resign lang niya.
At dahil isa siyang dakilang oportunista, pumayag siya sa gusto nito dahil sa mapapakinabangan niyang bongga. Bahala na kung magalit man ang pinsan niyang si Staergen sa kaniya. May iba pa kasi siyang agenda iyon ay ang pa-in love-in si Luigi.
Pero mukhang kinarma yata si Rizly. Habang nakakasama kasi niya nang matagal ang lalaki ay siya ang tuluyang na-in love dito.


Ano ba itong gulong pinasok niya?

Huwebes, Mayo 21, 2015

PHR

Title: Someday We`ll Know
Author: Sharmaine Light
Price: Php 39.00
Released Date: April 22, 2015
SYNOPSIS:
“May mahihiling pa ba `ko? Mukhang wala na. Ikaw na ang kumompleto sa akin simula noong araw na nagkakilala tayo.”
Para sa isang katulad ni Staergen na introvert, isang malaking biro ang ma-involve sa rising PBA superstar na si Jeron Co, na guwapo na ay sikat pa sa buong Pilipinas. Ang tanging goal nito ay maging mahusay at makilala sa PBA. As much as possible ay umiiwas ito sa mga distraction, lalo na sa mga babae kaya ayaw nitong pumasok sa anumang relasyon.
Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Staergen met him and they became friends. Hindi nagtagal ay namalayan na lamang niya isang umaga na in love na siya kay Jeron. Iyon nga lang, marami ang humahadlang.
He said he wanted to win her heart as much as he wanted to win his first championship in the PBA.
She was willing to fight for him pero natuklasan niyang siya rin pala ang makakasira sa mga pangarap nito. She wanted to run away as much as she wanted to stay but she knew letting go was the best way.
Pero pinigilan siya ni Jeron.

Buy e-Book version Here

Promotions



Title: My Kuya's Assistant
Author: Red Weasley
Price: Php 145.00
SYNOPSIS:
Jennica almost got everything a girl could wish for. Beauty, brains talent and fortune. She’s a happy-go-lucky girl, at imposibleng walang lalaking makapansin sa kanya. Well, except siguro sa right hand ng Kuya Jeric niyang si Thomas. So she was thinking, i-seduce kaya niya ito?
Read more at Click Here



How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...