“SO UNEXPECTEDLY”
TEASER:
INAAMIN naman ni Rizly na isa
siyang oportunista— oportunistang saksakan ng ganda. Nang
tinakbuhan ng pinsan niya ang lalaking mahal nito ay hindi inaasahang makita
niya sa labas ng kaniyang gate si Luigi— gwapo, matangkad, at higit sa lahat, may
magarang kotse.
Pinipilit siya nitong sabihin
sa kaniya ang kinaroroonan ng pinsan niya dahil gusto raw nitong tulungan ang
kaibigan nito na nagkataong siyang tinakbuhan ng magaling niyang pinsan. Ayaw
sana niyang maging traydor pero pinangakuan siya ni Luigi na bibigyan siya nito
ng magandang trabaho. E nagkataon namang kare-resign lang niya.
At dahil isa siyang dakilang
oportunista, pumayag siya sa gusto nito dahil sa mapapakinabangan niyang
bongga. Bahala na kung magalit man ang pinsan niyang si Staergen sa kaniya. May
iba pa kasi siyang agenda— iyon ay ang pa-in love-in si
Luigi.
Pero mukhang kinarma yata si
Rizly. Habang nakakasama kasi niya nang matagal ang lalaki ay siya ang tuluyang
na-in love dito.
Ano ba itong gulong pinasok
niya?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento