Miyerkules, Nobyembre 16, 2016

PAANO MAG-SUBMIT NG MANUSCRIPT SA PRECIOUS HEARTS ROMANCES?

Paano mag-submit ng manuscript sa Precious Hearts Romances?

Noong nagsisimula pa lang akong tuparin ang pangarap kong maging published writer, I had no one else to ask to kung paano ang mga hakbang sa pagpapasa ng manuscript. Pero sa tulong ng internet at ni Google, nag-research lang ako at fortunately, nakahanap ako ng mga makabuluhang blog na napagkunan ko ng idea at mga taong pwedeng mapagtanungan. May mga aspiring writers na nagme-message sa akin sa FB at sa abot ng aking makakaya ay sinasagot ko ang mga tanong nila. Alam ko kasi ang pakiramdam na sarili ko lang ang inasahan ko sa pagre-research, it was a good thing, of course. Pero kung alam ko namang may maitutulong ako, bakit ko naman `yon ipagdadamot, `di ba? (Naks, ang yabang ng dating, ha. -_- ) Pero dahil nakakapagod sumagot ng mga katanungang paulit-ulit, dito ko na lang din sila sasagutin lahat.

Format ng isang manuscript:

*Ang iyong manuscript ay dapat na kompleto na at halos wala nang typo at grammatical errors. Imagine, kung ikaw ang editor, gaganahan ka bang magbasa ng manuscript na hindi maayos at maraming mali? Huwag gano’n, huwag natin silang pahirapan. Hehehe.

*Use Times New Roman bilang font, pwede ring gumamit ng iba basta’t maayos pa ring mababasa. Size, 12, double-spaced, at Justified dapat ang alignment. (Be knowledgeable with Microsoft Word kasi best friend na natin siya.)

*Ngayon, kung handa na ang manuscript mo, i-attach mo ito sa message box ng iyong e-mail account. Sa ibaba, `yong mukhang paperclip ang hitsura, `yan ang pipindutin mo. Ngayon naman, sa subject box, pwede mong ilagay ang For Evaluation: *title ng MS mo* by *your name/pen name*. Doon naman sa body ng e-mail, pwede mong ilagay ang detalye ng iyong manuscript or ang synopsis/teaser nito.

*Kung first time, magpapasa, huwag kalimutan ang resumé. Paano gumawa ng resumé? Maraming sample sa internet. Ang mahalaga lang naman doon ay nandoon ang complete contact details mo just in case ma-approve ang iyong manuscript. Kung estudyante ka pa, carry lang kung simple lang ang resumé mo.

*Ang bagong e-mail address ng PHR ay ed2rialstaff@gmail.com. Kapag nai-send mo na ang manuscript mo, maghintay ng ilang araw para sa confirmation na natanggap na nila ang manuscript mo. You just have to be patient dahil daan-daang manuscript ang ini-evaluate nila buwan-buwan.

Ano ang mga kwentong pumapasa sa PHR?
  • ·         Nakakakilig at kapani-paniwala ang romantic development sa pagitan ng hero at ng heroine.
  • ·         Hindi cliché o palasak ang plot. Halos lahat na ng kwento ay naisulat na sa buong mundo. Ang challenge sa`yo ay kung paano mo mabibigyan ng bagong bihis ang isang plot na magmumukhang fresh sa mata ng editor at ng mga mambabasa mo.
  • ·         Ang conflict ay dapat na hindi masyadong mababaw at hindi rin siya masyadong malalim na para bang imposible na itong maresolba.
  •     Walang loopholes. Lahat ng tanong na ibinigay mo sa reader ay dapat mong bigyan ng kasagutan bago magtapos ang nobela.
  • ·         Happy ending.
  • ·         Original. Bawal ang kinopya lang sa iba dahil diyan tayo magkakaproblema.
  • ·         Bawal ang taboo. Ibig sabihin, they say no to incest.

Martes, Nobyembre 15, 2016

Ano'ng Ganap?

Entry Title: Ganap Here, Ganap There
Written by: Sharmaine Light
Date: November 16, 2016
Ito ang mahirap sa akin, hindi ko talaga mapanindigan ang pagba-blog kong ito. Kailan ang huling post ko, February pa. Ano’ng petsa na? Hahaha. Well, bukod sa meron pa akong isang ginawang blog at isang tumblr account. Ewan ko na lang sa sarili ko. So, ano ba ang mga ganap sa buhay ko? Ayon, hindi ko na nagawang gawing series ang The Ideal Men dahil last April lang ay nai-publish na ito bilang trilogy. Masaya pa rin naman ako dahil kung ipinilit ko talagang gawing series, baka matagalan pa siya bago mailabas. Besides, hindi naman masasayang ang plano kong kasunod na mga kwento sana nito.
Bale sinubukan kong gawan ng spin-off ang The Ideal Men at binigyan ito ng working title na Sought-After. Doon ko na sana isusulat ang story nina Kenzie at Danross at Blaine at Ouji pero ang book 1 ay sina Sharmaine at Luxen. Yes, my pen name. Unfortunately, return ang book 1. Ilang beses na bang ibinalik sa akin ang kwentong ito nina Sharmaine at Luxen? Apat? Lima? Pero ayoko pa ring tantanan dahil gusto ko talagang i-push ang lovelife ko kahit sa nobela lang. And besides, umaasa sa akin ang mga kaibigan ko na magagawan ko rin sila ng spin-off since dream namin ito. Hahaha! Saklap, meyn!
So from Sought-After, dahil hindi bet ng editor ang concept, pinalitan ko ng The Love Chase Trilogy kasi gusto ko talagang gumawa ng pangalawang trilogy sa PHR! Bahala na. Hahaha. So ni-revise ko na ang book 1 at naipasa ko na rin naman noong September yata. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi hindi ko napansin na merong common concept ang love story nilang tatlo pero pinili ko pa ring gawing Sought-After. Sometimes, I think I’m brilliant. Most of the time, I wonder if I really had a brain at all? Hahaha. I hope, The Love Chase Trilogy is meant-to-be this time.
Last October 5, my 5th novel came out entitled ‘So Unexpectedly’ na spin-off ng Someday We’ll Know! Yes, after more than a year na paghihintay, nailabas na rin siya pero ang naunang The Night It Rained, kailan kaya? Hahaha.
Another ganap, return ang book 1 ng Rekindled Romance series ko na kwento nina Yuugi/Takeru at Camya. Yeah, my fault. Nasobrahan ang pagiging malambot ni Yuugi na mas malambot pa siya kay Camya. Hahaha. Last week ng October pa dumating ang result. Tingin ko naman, madali lang siyang ayusin. I’ll make major changes with Yuugi’s character and I hope everything will follow. Tapos ko na kasi ang story nina Yasha at Yno/Charlie pero hindi ko pa nai-edit dahil hinihintay ko nga ang resulta nina Camya at Yuugi. So, tengga muna ang pangalawang love story namin ni Charlie. Huhuhu. Pero hindi naman ako susuko na lang basta, ano. Pangarap ko yata `to!
Pero naalala ko lang, oo,  nasobrahan na ako sa pagiging makakalimutin, kailangan ko na palang i-edit ngayon ang katatapos ko lang na manuscript na ang bida ay ang FB friend ko na si Ally at Gael. Argh! Ang hirap ng ganito alam n’yo `yon? May dysmenorrhea ka pero obligado ka pa ring magtrabaho dahil kailangan mo pa ring maging productive? So, tingnan natin, kung magagawa ko ngang mag-edit. Hahaha.

Lunes, Pebrero 15, 2016

APPROVED

APPROVED

Sakto lang yata ang pasok ng 2016 sa akin bilang manunulat dahil after ko makakuha ng approved, 2 return ang nakuha ko. Medyo nakakalungkot pero hindi naman `yong tipong didibdibin ko. Mas tama yatang sabihing na-motivate ako lalo. Itatabi ko na lang ang mga `yon at balikan na lang kung handa na uli akong i-rewrite siya. ^___^

Last Friday, nakuha ko na rin ang SOR para sa story nina Sharine at Dominic. I was expecting for 2 SORs at ang isa ay para sa So Unexpectedly na manuscript na July pa approved. Huhu. Sa'n  na kaya ang SOR n'on? Ang last update sa akin, ipapadala na lang, e.

Okay. So nagulat ako sa ikalawang SOR dahil para `yon sa book 2 ng The Ideal Man series. Nakakaloka! E pinaplano ko pa lang na mag-follow up kung may result na, e. Anyways, hindi ko naman ikakaila na hindi ako natuwa nang bongga. Approved na siya! Ang bilis lang! Sa ngayon, under evaluation ang book 3 at ang book 4 ay tengga pa rin. Kukuha lang ako ng bwelo. Ang sarap magpa-distract kay Daniel Henney, e. Owrayt!

Pero this month, hindi pwedeng wala siyang asenso. Huhu. Lalabanan ko  na talaga ang katamaran ko. Sayang naman, e. Major project ito para sa isang newbie writer na kagaya ko. God speed to me. May He give me the strength I need to keep going. Fighting!

Linggo, Pebrero 14, 2016

Daniel Henney

Fast Facts:
Name: Daniel Phillip Henney
Age: 36
Birthday: November 28, 1979
Profession: Actor/Model
Nationality: Korean-American

Yasha says:

I have known him since I was 13 and I never really paid attention. Nakita ko siya sa Spring Waltz noon na hindi ko rin naman nasubaybayan at `yon lang. Haha. Years later, nakita ko siya sa cover ng Stallion series ni Miss Sonia Francesca as the visual peg for Rozen Aldeguer. Doon, na-appreciate ko na siyang kaunti because he's really good-looking naman talaga. *heart-heart*

Then just last month, I bought Big Hero 6 at isa na siya sa mga all-time favorite movies ko. Because Tadashi Hamada, the character I fell in love with was voiced by Daniel Henney. Do'n na `ko napatigil dahil na-curious na ako. Ano ba ang pinaggagawa ko at madalas ko siyang palampasin noon? Haha.

Heto ngayon si ako, fangirling as its finest. Stalking-stalking din `pag may time. Ang gwapo talaga niya. Walang pangit na anggulo. Kumbaga sa ulam pa, walang tapon. Heaven. Hahaha. E di siyempre, may plot na namang sumulpot sa isip ko at ang kulit niya.


Ang plano ko ngayon, panoorin ang mga palabas niya na pinalampas ko. Huhu. The good news is, single na single siya. May pag-asa pa! Haha. Yahoo!

Biyernes, Enero 29, 2016

Writing Life

APPROVED

Bago ko makalimutan, dininig na `yong dasal ko dahil merong good news na dumating. Approved na ang manuscript ko na 'Love Like This: Sharine's Sweet Surrender'. Yup, `yong story nga ni Sharine at Dominic! Haha. This story is my first approved for 2016. Sana lang magtuloy-tuloy. Sana positive din ang result ng iba ko pang manuscript.

Praise God! ^_^

Tarush!

Sharmaine Light

My Writing Stuff

Mabuhay! Katatapos ko lang isulat ang book 3 ng The Ideal Man series ko at panibagong problema na naman ang haharapin ko. I'm torn between an old plot and a new plot. Sino sa kanila ang uunahin ko?
Plano ko kasing gumawa ng isang trilogy kahit hindi ko pa natatapos ang series ko. Lakas ng loob ko, `no? Haha. The hero is inspired by Charlie Puth kaya expect nang musically-inclined si Yno Ferrer.
Tapos itong bago naman ay merong science fiction na genre and the hero is inspired by Tadashi Hamada. I'm so torn. My goodness. Haha!

Lunes, Enero 18, 2016

Fangirling

Fanfiction!

When I started writing noong elementary ako, mga fanfiction ng favorite anime ko ang nagpi-play sa imagination ko talaga. I had fun visualising them though hindi ko ito sineryoso. I mean, noong mag-decide akong i-pursue ang pangarap ko na maging published writer, hindi ko inisip na tatanggap ng mga fanfiction ang publishing companies so I focused on writing original story ideas.

And then, I am a fan of 3D animated films, fantasy or sci-fi man `yan. Nito lang ako napabili ng mga movie since meron akong pera at mga naipalabas na ang mga pelikulang nabili ko in the previous years.

I love the Minions though ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang Big Hero 6 which was released 2014 pa. Late bloomer talaga ako. Haha. Kaya ko lang naman binili `yon ay para sa kapatid ko nang malibang naman siya.

Ayon, hindi ko in-expect na magugustuhan ko pala ng bongga ang kwento. Astig naman talaga, e. Tama nga si Hiro Hamada. The only limit is your imagination. Pero ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang character ni Tadashi Hamada, ang kuya ni Hiro. He's so super duper cool. Nalungkot talaga ako nang malaman ko na maikli lang ang part niya sa journey ni Hiro. They killed him!

Ini-expect ko na may mangyayaring twist at mabubuhay siya pero wala, e. Haha. Hindi nangyari. Heto pa, nalaman ko na si Daniel Henney pala ang nasa likod ng boses niya! Kyaah! Hahaha.

Agad akong nag-search sa mga news about its sequel at malaki ang possibility na meron nga raw. Ito pa, baka buhay raw sa sequel si Tadashi at maging villain pa. Well, I don't really care kung villain siya as long as he's alive. Naniniwala naman kasi ako na mare-redeem din siya sa huli. Chos. Tiwala lang daw, e.

So, ano ba ang silbi ng post na ito? Ayon, mahal ko na talaga ang character niya at natutukso akong gumawa ng fanfiction about him. May plot na sa utak ko at ang time frame ay noong dini-develop pa lang niya si Baymax. Hays, kakaloka, `no?

Una, si Takeru Satoh. Pangalawa, si Charlie Puth and then, s
i Tadashi Hamada. Wait, the book 1 of my series is considered fanfiction din pala pero dito ako sa tatlo napu-frustrate. I want to write them all! Sana mai-push!

Then I would be Yasha Satoh Puth Hamada. Landeee! :p

Hmm...

Patience is the best policy.

Wala. Maiba lang. Haha. Usad-pagong bilang manunulat ang simula ng 2016 ko. Sana naman hindi ako ganito buong taon, ano. Ang dami ko pang nakatengga, e. Kasi naman. Haha.

Maybe I just need something na makakapag-motivate sa `kin. Some of my co-writers, nito lang ay nakatanggap na ng good news about their manuscripts. Nagbaka-sakali rin ako siyempre kung may verdict na rin ang isa mga under evaluation but only to be disappointed kasi wala akong natanggap ni kahit na ano galing sa editorial staff. Haha. Saklap.


But I'm being patient right now. At least, I know how to wait patiently now. As in walang halong echos. Haha. Pero sana talaga this week makatanggap naman ako ng good news. Oo, good news talaga dapat. Kailangan ko ng motivation para tapusin na itong book 3 ng series ko kuno. Kailangan ko raw kasing panindigan. Nakakaloka. Haha.


Woosh!

Miyerkules, Enero 6, 2016

Writing Goals

After more than a year, nai-publish ang first book ko under PHR. I don't know,para kasing `yon lang ang sign na hinihintay ko para magsulat ng panibagong manuscript. Haha.

My goal last year ay ang makapagpa-approve ng at least 5 manuscripts pero swerteng nakaapat lang ako. Hindi na rin masama, `di ba? Hehehe.

Sa ngayon, 2 contract pa lang ang napipirmahan ko pero sana maayos na `yong 2 pa kasi excited talaga akong ma-publish ang mga `yon. At sana merong positive result `yong mga under evaluation. Woosh! Tiwala lang!

Here are the titles:

1. The Night It Rained (Be Your Everything)- To Be Published
2. So Unexpectedly [Someday We'll Know spin-off]
3. Surrender My Heart [So Unexpectedly spin-off]
4. The Ideal Man #1: Simpleng Tulad Mo- To Be Published

2016 Na!

How did I celebrate my New Year?

Yasha says:

As usual, sa bahay lang. Haha. Nagbahay-bahay, kasama ang mga kabarkada ko. Tapos inuman ng kaunti. Doon talaga ako napasubo sa videoke. Napabirit ako ng Celine Dione! Ano ba ang malay ko sa mga kanta n'on? Haha. Ayon, buti hindi ako napaos. Orayt.

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...