Entry Title:
Ganap Here, Ganap There
Written by:
Sharmaine Light
Date:
November 16, 2016
Ito ang
mahirap sa akin, hindi ko talaga mapanindigan ang pagba-blog kong ito. Kailan
ang huling post ko, February pa. Ano’ng petsa na? Hahaha. Well, bukod sa
meron pa akong isang ginawang blog at isang tumblr account. Ewan ko na lang sa
sarili ko. So, ano ba ang mga ganap sa buhay ko? Ayon, hindi ko na nagawang
gawing series ang The Ideal Men dahil last April lang ay nai-publish na ito
bilang trilogy. Masaya pa rin naman ako dahil kung ipinilit ko talagang gawing
series, baka matagalan pa siya bago mailabas. Besides, hindi naman masasayang
ang plano kong kasunod na mga kwento sana nito.
Bale sinubukan
kong gawan ng spin-off ang The Ideal Men at binigyan ito ng working title na
Sought-After. Doon ko na sana isusulat ang story nina Kenzie at Danross at
Blaine at Ouji pero ang book 1 ay sina Sharmaine at Luxen. Yes, my pen name.
Unfortunately, return ang book 1. Ilang beses na bang ibinalik sa akin ang
kwentong ito nina Sharmaine at Luxen? Apat? Lima? Pero ayoko pa ring tantanan
dahil gusto ko talagang i-push ang lovelife ko kahit sa nobela lang. And
besides, umaasa sa akin ang mga kaibigan ko na magagawan ko rin sila ng
spin-off since dream namin ito. Hahaha! Saklap, meyn!
So from
Sought-After, dahil hindi bet ng editor ang concept, pinalitan ko ng The Love
Chase Trilogy kasi gusto ko talagang gumawa ng pangalawang trilogy sa PHR!
Bahala na. Hahaha. So ni-revise ko na ang book 1 at naipasa ko na rin naman
noong September yata. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi hindi ko napansin na
merong common concept ang love story nilang tatlo pero pinili ko pa ring gawing
Sought-After. Sometimes, I think I’m brilliant. Most of the time, I wonder if I
really had a brain at all? Hahaha. I hope, The Love Chase Trilogy is
meant-to-be this time.
Last October
5, my 5th novel came out entitled ‘So Unexpectedly’ na spin-off ng Someday We’ll
Know! Yes, after more than a year na paghihintay, nailabas na rin siya pero ang
naunang The Night It Rained, kailan kaya? Hahaha.
Another
ganap, return ang book 1 ng Rekindled Romance series ko na kwento nina
Yuugi/Takeru at Camya. Yeah, my fault. Nasobrahan ang pagiging malambot ni
Yuugi na mas malambot pa siya kay Camya. Hahaha. Last week ng October pa
dumating ang result. Tingin ko naman, madali lang siyang ayusin. I’ll make
major changes with Yuugi’s character and I hope everything will follow. Tapos
ko na kasi ang story nina Yasha at Yno/Charlie pero hindi ko pa nai-edit dahil
hinihintay ko nga ang resulta nina Camya at Yuugi. So, tengga muna ang
pangalawang love story namin ni Charlie. Huhuhu. Pero hindi naman ako susuko na
lang basta, ano. Pangarap ko yata `to!
Pero naalala
ko lang, oo, nasobrahan na ako sa
pagiging makakalimutin, kailangan ko na palang i-edit ngayon ang katatapos ko
lang na manuscript na ang bida ay ang FB friend ko na si Ally at Gael. Argh!
Ang hirap ng ganito alam n’yo `yon? May dysmenorrhea ka pero obligado ka pa
ring magtrabaho dahil kailangan mo pa ring maging productive? So, tingnan
natin, kung magagawa ko ngang mag-edit. Hahaha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento