Title: Do You Like Kyrie Irving?
Date: June 26, 2017
Well, as the title says, ‘Do you
like Kyrie Irving?’. Aaminin kong hindi ako avid fan ng NBA. Dati tinututukan
ko ang UAAP pero eversince nagsipag-graduate na ang mga players na sinubaybayan
ko from Ateneo Blue Eagles ay hindi na ako nanood ng mga succeeding seasons ng
UAAP. Nakapitong seasons lang yata ako? Hahaha.
Sa PBA naman, well, fan ako ng
Purefoods franchise. Pero noong hindi pa umaalis si James Yap. At itong NBA
naman, well, mas lalong hindi ko nasusubabayan dahil available lang ito sa
cable noon. Until free TV came. 2011 nang maglaban ang Miami Heat at ang Dallas
Mavericks for the finals. Kalilipat lang yata ni LeBron James mula Cleveland
Cavaliers pero natalo sila. Nakilala ko siya noong highschool ako. Nakikita ko
ang mukha niya sa binder ng mga kaklase ko. He must be very popular. E, si Kobe
Bryant lang naman ang kilala ko noon, eh. At kilalang team pa noon ang LA
Lakers at Boston Celtics. Cleveland is not a familiar team to me. But I found
out that LeBron was the top 1 highest paid athlete in the world that time.
Like, nalampasan pa niya si Manny Pacquiao.
Sabi ko sa sarili ko noon, hindi
nga lang seryoso, ‘Ah, balang-araw, magkakaroon din ng championship ang team na
ito sa pamumuno ni LeBron.’ Then 2015 nang mag-champion ang Golden State
Warriors sa pangunguna ni Stephen Curry. Hala, sino na naman ang Stephen Curry
na ito. Now, my sister and her friends are crazy over the Warriors habang ako ay
kung saan si LeBron James, doon ako. Bumalik siya ng Cleveland at nangakong
bibigyan ang Cleveland ng championship ring. Which he did in 2016. Inasar pa
nga ako ng kapatid ko. Todo-cheer pa ako sa Cleveland e si LeBron lang naman
pala ang kilala ko. Which is totoo naman. Hahaha. Para hindi na ako mapahiya,
tinandaan ko ang name na Kyrie Irving, Tristan Thompson, Kevin Love, JR Smith.
Kagaya ni LeBron, black din sina
Kyrie, Tristan and JR. Ang napansin ko kay Tristan, may dimples. Si Kyrie,
makapal ang balbas. Sabi ko, parang medyo hawig sila ni Mark Herras. May
hitsura sana kaso makapal ang balbas. Ang lakas makadagdag sa edad. 2016, wow,
muling nagharap ang Warriors at Cavs. And this time, Cavs won the championship!
Ang saya-saya ko noong time na `yon. Imagine, umabot ng seven games bago sila
nanalo. Such a sweet victory.
2017 nagharap uli sila pero
natalo ang Cavs. Dito, hindi ko inaasahan na mas maa-appreciate ko si Kyrie
Irving. Na-cute-an kasi ako sa handshake ng Cavs bago magsimula ang game. Hindi
ako magaling sa pag-describe sa moves ng mga players pero nakakabilib siya.
Nakikipagsabayan siya kay LeBron. Ang galing-galing niya. He was even dubbed as
the Crossover King. Medyo malungkot ako kasi hindi sila makabawi pero napabilib
niya ako nang tulungan niya ang kalabang si Klay Thompson nang bumaliktad ito
sa ere. He was caught by his teammate Draymond and Kyrie caught him kahit
magkalaban sila. Sabi ko, wow, bait naman ng taong ito. Bihira lang akong
makakita ng athelete na tinutulungan ang kalaban kahit kainitan ng Game 5. Tumatak
na sa akin ang pangalang Kyrie Irving.
Kahit tapos na ang finals, doon
pa lang nagsimula ang pag-ii-stalk ko sa kanya. I found out na kaka-25 lang
niya. And at such a young age, he had accomplished a lot especially his promise
to his father na tatapusin muna niya ang kanyang degree bago pumasok sa NBA
noong 2011 kung saan siya itinanghal na Rookie of the Year noong 2012.
Aside from that, marami rin siyang talent. Kyrie is such a
good dancer! Hindi lang iyon, kumakanta rin siya! He knows how to play the
baritone saxophone. He also writes and keeps a journal. Hindi lang iyon,
nagbabasa rin siya! Yup, ini-stalk ko lang naman ang instagram niya pati na ang
YouTube para lang mag-download ng kahit na ano tungkol sa kanya. `Yong Uncle
Drew series na commercial for Pepsi Max, siya lang naman ang nagsulat at
nag-direct n’on. Hindi lang iyon, nakapag-guest din siya sa isang Disney Show
na ‘Kickin’ It’ kung saan papanoorin ko pa lang. Hehehe. Imagine kung hindi
siya naging magaling na basketball player, may kalulugaran pa rin naman siya sa
Hollywood industry. By the way, he has a daughter with his ex-partner and had a
relationship in early 2016. Pero sa kasalukuyan ay single daw siya. Ako na ang
chismosa at dakilang stalker pero ganoon talaga ako, eh. Hahaha.
I kinda feel ecstatic and sad,
though. Hindi ba ang weird ko? Ano ba ang common sa mga nagiging crush ko?
Hindi lang basta gwapo, meron ding ibang talent na itinatago. Charlie Puth,
Takeru Sato, Lee Dong Wook, Danny Schwarz and now, Kyrie Irving!
Yes, I am fangirling over Kyrie
Irving right now at nalulungkot ako dahil kahit ganito na ang edad ko,
dinidibdib ko pa rin ang pagiging unreachable ng mga taong hinahangaan ko.
Like, I can fantasize Kyrie Irving all I want pero hanggang doon na lang iyon. Nandoon
siya, nandito ako. Ganito ang buhay niya, ganito naman ako. Simply impossible,
right? I can’t help but feel jealous with the people around him who can see
him, talk to him and date him. I know I should mature by now pero kakaiba lang
talaga si Kyrie Irving. He might not be the typical mestiso American or Asian I
fangirl but he is simply good-looking as he is. Promise, ang gwapo ni Kyrie Irving.
Hahangaan mo talaga siya bilang tao at bilang atleta.
At kung sino man ang babaeng
makakatuluyan niya, huhuhu, aray, binibiyak ang puso ngayon pa lang kapag
iniisip ko, ay maswerte. Well, ano pa bang dapat kong ipag-alala bukod sa gano’n
din naman, tatanda rin akong dalaga. Hahaha. Susubaybayan ko pa sa mga susunod
na araw si Kyrie Andrew Irving. Do you like Kyrie Irving? Because I love him. J