Huwebes, Hunyo 8, 2017

HOPELESS (June 08, 2017)

Date: June 08, 2017
Title: HOPELESS
Annyeong!
Yup, somehow ay buhay pa naman ang blog kong ito. It’s just that I’ve been struggling for the past few months. Kailan ba ang last post ko? Last November? Tss. Pasensiya na po. J
What am I into lately? KDramas, of course! The sparks between Lee Dong Wook and I have been rekindled after watching #Goblin with Gong Yoo, Ji Eun Tak and Yoo In Na. Ang hirap mag-abang ng updates lalo na at 2 episodes per week lang ang inilalabas ng tvN. It ended last January and now, it’s being aired on free TV and dubbed in Tagalog. It’s truly ground-breaking and definitely one of my favorite KDramas of all time. (Bukod doon, marami rin akong napanood na KDramas including Hwarang, Strong Woman Do Bong Soon, Blade Man, etc, and my latest favorite is Chicago Typewriter.)
After ko manggaling sa Sagay, umuwi na rin ako sa amin. I’m reunited with my favorite brother and tried hunting for jobs but I failed. Nag-away na naman kami ni Mama because kailangan kong i-turn down ang trabaho dahil may Sabado. Nasa Kuwait na si Mama ngayon at nahihirapan siyang maghanap ng employer doon. Ako naman, nakapagtrabaho rin ako sa opisina ng nagbigay sa akin ng scholarship. I had no choice kasi kailangan naming kumain para mabuhay. Nahirapan akong mag-adjust. Akala ko, magiging okay na. Kaso 2 weeks na lang sana bago ako mag-three months, they decided to stop my training kasi nakahanap na sila ng mas qualified na employee. Kaya heto ako ngayon, tambay.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong umiwas sa mga toxic na tao sa bahay pero hindi ko naman alam kung papaano. Wala akong trabaho, walang pera. Madalas akong nade-depress. Sa ngayon, may pinagkakaabalahan akong online job sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. The financial struggle is real and the blame is on me. Kaunti na lang talaga, masisiraan na ako ng bait.
About naman sa writing career ko? My first collaboration with my co-PHR writers went well. Gazchela Aerienne is very prolific. Ang dami na niyang published books and she has tried all genres na rin. The other, Miss Camilla, literally the most prolific writer of PHR. Imagine how overwhelmed I am to work with one of the most popular PHR writers, sobrang masipag, sobrang talented. Kailan ko kaya maabot ang level nila? Huhuhu.
Excited ako sa paglabas ng collaboration namin. Sana soon na. Saka hinihintay ko rin ang paglabas ng iba ko pang approved. Lately, sooooooobrang tagal ng confirmation ng manuscripts pati na ang evaluation. Kung magpa-follow up ka naman, halos wala ring sasagot sa`yo. Nawawalan na ako ng gana, actually, pero alam kong hindi ako pwedeng sumuko.

Hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng pagkakakitan. I want to start a T-shirt printing business but I can’t get it right. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan pa kakapit. Tumaya na lang kaya ako sa lotto?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...