Date: November 05, 2017
Title: Unproductive
So…
kailan nga ba ang huli kong blog entry dito? Anyways, `yong mga hinaing ko sa
previous posts ko ay wala pa ring pinagbago. Parang mas nag-attract pa nga ng
mga sawsawero sa labas. Hahaha. Akala mo naman sila mismo ang directly
involved.
So
there’s this manuscript na ipinasa ko August 2016 na wala pang feedback
hanggang ngayon. Sinubukan kong mag-follow up tungkol do’n months ago at ang
sabi lang sa `kin ay naipadala na raw ang feedback last year. Ang malala pa,
napagkamalan nilang iisa lang `yong manuscript na ipinasa ko na binigyan nila
ng feedback. Inilagay ko pa ngang spin-off `yon ng MS ko na napagkamalan nila.
So nag-message ako sa editor-in-chief. Remind daw niya ang reader. Ang sabi
naman sa `kin, after MIBF na lang daw ipapadala ang resulta. Anong petsa na?
Sana pala tinanong ko kung MIBF 2018? 2019? Hahaha.
So
this particular manuscript, My Amasona Wife, is previously published on Wattpad
pero in-unpublish ko kasi ang balak ko, i-post `yon sa ibang platform pero wala
namang malinaw na aasahan do’n sa platform na `yon dahil hindi namin alam kung
kailan ang launching. Tapos binasa ko ulit `yong manuscript. I don’t know.
Biglang napangitan ako nang bonggang-bongga. I even had this feeling of disgust
with myself. Like, really? Ako talaga ang nagsulat nito? Ito lang ba ang kinaya
ko? My goodness! Ang pangeeeeeet!
Aminado
naman ako sa sarili ko na malayo ang version na naisulat ko sa kwentong
in-imagine ko sa utak ko noon. And the conflict, so ‘eww’. Mema confict!
Halatang hindi ko sineryoso ang kwento nila. Minadali ko ang lahat. I am not
satisfied with it.
So
I decided to rewrite it! From Third Person POV, ginawa ko siyang First Person
POV, which is in Mary Cris’ POV. Sinimulan ko noong second week ng October and
now I’m on the fifteenth chapter. The wordcount is 29K+ words and well, nahabol
ko na nga siya ngayon. I believe malapit na ako sa conflict which is iba na
rin. Hopefully, I could pull it off now. By the way, the new title is ‘His
Amasona Wife’.
At
ang napansin ko rin, parang ang bilis ko yatang magsulat using the First Person
POV. Ngayon ko lang napansin, actually. `Yong His Pastime Girl kasi at My Kuya’s
Assistant, medyo makapal ang wordcount nila, especially ang MKA, na two books
ang kapal, it took me a month para matapos sila. Halos araw-araw, meron akong
update sa Wattpad dala na rin siguro ng magandang feedback mula sa readers.
Bukod do’n, mas mabenta rin sa readers ang gano’ng POV. Hindi raw kasi sila
nakaka-relate kapag Third Person POV na sa PHR naman ay madalas na ginagamit ng
writers.
So komportable
man ako sa Third Person POV ay bumalik-loob na rin ako sa First Person POV
dahil kailangan ko ng market! Kailangang merong tumangkilik ng mga libro ko
para magkaroon ng malaking tsansa na i-publish. I’ll do my best na matapos
ngayong buwan ang His Amasona Wife dahil isusunod ko pa `yong isang MS ko na
one year in the making!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento