Title: Accomplished (At Least!)
The title. Hahaha. I’m just like ‘wohoo!’
because finally, nakatapos na rin ako ng manuscript at naipasa. It’s my part in
a collaboration with other PHR writers. Imagine, July na at ngayon pa lang ako
nakapagpasa. Masaya ako kasi nabawasan na rin ng isa ang mga pinuproblema kong
manuscript! Nakahinga rin ako nang maluwag, kahit papaano. Si God na lang ang
nakakaalam kung ano ang magiging kinahihinatnan ng manuscript ko na iyon. Sana deserving
iyon para sa isang ‘A’. Si Lee Dong Wook pa naman ang hero ko doon. Hahaha. Ako
na ambisyosa.
Makakapag-focus na rin ako. Without pressure
this time. Gusto ko talagang pagbutihin ang mga naka-lineup kong susulatin lalo
na at gusto kong subukang magsulat ng isang gothic novel. Hindi ko lang
isu-spoil ang iba pa dahil baka mausog. Update na lang ako kung may improvement
na ba or whatsoever. Hehehe. Orayt.
I think I should treat myself. Kaso wala
naman akong pera. Hahaha. Paano ba ito? Kape-kape na lang siguro? Wala naman
akong approved kaya hindi ko mai-treat ang sarili ko ng nachos, pizzawarma at
blue lemonade. Approved, bakit ba ang ilap mo?
#LoveQuestseries
#TreatYouBetter
#LeeDongWook
#SharmaineLight
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento