Sabado, Hulyo 1, 2017

Eottoke

Title: Eottoke
Date: July 02, 2017
Isisingit ko lang `tong blog entry ko habang nag-e-edit. Hehehe. Bakit ganito ang title ng post ko? Kasi iyon ang totoo. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil marami ang problema ko tapos wala man lang akong magawa para solusyunan lahat.
Come to think of it, pera lang ang solusyon pero siyempre, hindi naman ako pwedeng mag-magic ng pera kaya… mananatili talaga siyang problema.
Problema ko rin ang feedback sa mga ipinasa kong MS. Malapit nang mag-isang taon ang isang manuscript ko pero wala pa ring feedback hanggang ngayon. Naalala ko noong May, halos araw-araw akong mag-follow up pero wala ni isang reply. Tapos nitong June na, may nag-reply nga pero napagkamalan pang ibang MS na nabigyan na nila ng feedback ang manuscript. And then… wala na ulit. Hahaha. Sa August, isang taon na ang MS ko na `yon. Pangalawa na ito kung saka-sakali. Kasi dati, nagpasa rin ako ng MS na sabi ipa-prioritize daw pero nakalimutan na ng panahon kasama ang feedback. Umasa akong hindi na mauulit, e. Umasa ako. Hindi na nga ako nag-follow up, pinalampas ko na pero… oh, well. May sumpa yata akong kakambal nang ipanganak ako kaya lagi ako ang puntirya ng MS na kinakalimutang basahin at bigyan ng feedback. Tell me, what am I supposed to feel?
Saka `yong isang for revision kong lagpas 3 months na. Talo pa ang MS na first time ipasa. Nag-follow up ako pero walang reply. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa sistema nila. Hindi naman dating ganoon.
July na pero wala pa akong naipapasang MS sa kanila! Astig, `di ba? Daig ko pa nag-hiatus kahit hindi naman ako nawawalan ng MS na isusulat. Itong ine-edit ko ngayon na part ng isang collab, sakaling matapos ko ito ngayong linggo, ito pa lang ang kauna-unahang MS na maipapasa ko ngayong taon. May limang beses na yata akong nag-e-edit dito pero hindi pa rin ako satisfied. Ayoko namang isipin ni Dong Wook na pinapabayaan ko siya kaya hindi ko magawa nang tama. I want an approved this time. I want Dong Wook’s story to be loved by the editor and the readers. Help me, God!
Back to editing na uli ako.

PS. Sana manalo si Manny Pacquiao. Fighting, Senator! J
P.S Talo si Senator. Nakakagulat na nagulat pa ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...