Miyerkules, Pebrero 21, 2018

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that makes me blessed. I wish I could give back to Him. But how can I do it when I'm full of uncertainties, doubts, shortcomings, and all? :( 
As I am typing these, I feel anxious. I've always been. I breathe anxiety like air. I have this feeling that I would breakdown anytime and recovery is impossible. Yes, I'm of little faith. Kawawa naman ako.
Meron akong isang release noong February 2017 sa Lifebooks--ang The Perfect Subject, na kwento nina Hannah at LA. Wala akong release sa PHR. Hindi naman na ako nagulat do'n. Returned ang story ni Dong Wook at hindi na uli ako nakapagpasa dahil nadala na ako sa nangyari sa dalawang MS ko. Bukod do'n, required nang kumuha ng resibo sa BIR. Okay. Hindi naman ako kawalan sa kanila. Hahaha.
Natapos ko nang i-rewrite ang His Amasona Wife at ipinasa ko sa VRJ Books at sa Lifebooks pero walang resulta. Ilang beses ko na siyang na-edit pero plano kong i-revise dahil... hindi ako makontento! Good sign ba ito? Hindi ko lang ba basta niloloko ang sarili ko? Pero gusto ko lang talagang maging proud sa sarili ko.
Isa pang malungkot na balita. Kim Jong Hyun of my favorite Korean boygroup passed away last December 18. I had a hard time accepting it. Depression defeated him. He couldn't take it anymore and so he did what he knew to end his sadness. His sadness, not his life. Shawols mourned and for the longest time, I cried. SHINee is always a part of me and will always be. I miss you, Bling! SHINee is always five, you know. We'll hang in there for Onew, Min Ho, Key, and Tae Min. 
I was finally able to finished two spinoffs of Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love) `yong isa, Love Songs, Isaw, At Siyempre, Ikaw (ito `yong sinasabi kong one year in-the-making), kwento nina Donna at Bob Earvin (I fell in love with Bob Earvin here) and Raindrops, Unofficial Dates, And A Beautiful Soul (eight months in the making naman ito), kwento nina Gustine and Jerusha na ang inspiration ko ay si Lee Jong Suk. I never thought na mai-inlove ako kay Gustine dito. He's really unexpected. Ang inspiration ko sa character ni Jerusha? Ang sarili ko with all my what ifs figured out. I wished I am Jerusha. Makikitira nga sa fiction world!
How did I welcome my 2018? With anxiety and mild depression, as usual. Pero hindi pa naman ako sumusuko sa pagkabaliw. Ang hina-hina ng tingin ko sa sarili ko ngayon. Hindi ko alam kung paano tutulungan ang sarili ko, sa totoo lang. I don't want to let my emotions deceived me. I don't think my friends understand me. Naghahanap na lang ako ng rason para umiyak, hoping it would lighten up my burden. I feel like I am alone in this battle and no one's there to help. But that's life. It isn't always good to everyone.
So... marami pa akong manuscript na kailangang isulat. I'm happy I was able to read a decent book. Hilig ko rin kasing magpa-disctract, e, `no? Lord, help me make it. You're my only hope.

Sabado, Nobyembre 4, 2017

#Unproductive

Date: November 05, 2017
Title: Unproductive
So kailan nga ba ang huli kong blog entry dito? Anyways, `yong mga hinaing ko sa previous posts ko ay wala pa ring pinagbago. Parang mas nag-attract pa nga ng mga sawsawero sa labas. Hahaha. Akala mo naman sila mismo ang directly involved.
So there’s this manuscript na ipinasa ko August 2016 na wala pang feedback hanggang ngayon. Sinubukan kong mag-follow up tungkol do’n months ago at ang sabi lang sa `kin ay naipadala na raw ang feedback last year. Ang malala pa, napagkamalan nilang iisa lang `yong manuscript na ipinasa ko na binigyan nila ng feedback. Inilagay ko pa ngang spin-off `yon ng MS ko na napagkamalan nila. So nag-message ako sa editor-in-chief. Remind daw niya ang reader. Ang sabi naman sa `kin, after MIBF na lang daw ipapadala ang resulta. Anong petsa na? Sana pala tinanong ko kung MIBF 2018? 2019? Hahaha.
So this particular manuscript, My Amasona Wife, is previously published on Wattpad pero in-unpublish ko kasi ang balak ko, i-post `yon sa ibang platform pero wala namang malinaw na aasahan do’n sa platform na `yon dahil hindi namin alam kung kailan ang launching. Tapos binasa ko ulit `yong manuscript. I don’t know. Biglang napangitan ako nang bonggang-bongga. I even had this feeling of disgust with myself. Like, really? Ako talaga ang nagsulat nito? Ito lang ba ang kinaya ko? My goodness! Ang pangeeeeeet!
Aminado naman ako sa sarili ko na malayo ang version na naisulat ko sa kwentong in-imagine ko sa utak ko noon. And the conflict, so ‘eww’. Mema confict! Halatang hindi ko sineryoso ang kwento nila. Minadali ko ang lahat. I am not satisfied with it.
So I decided to rewrite it! From Third Person POV, ginawa ko siyang First Person POV, which is in Mary Cris’ POV. Sinimulan ko noong second week ng October and now I’m on the fifteenth chapter. The wordcount is 29K+ words and well, nahabol ko na nga siya ngayon. I believe malapit na ako sa conflict which is iba na rin. Hopefully, I could pull it off now. By the way, the new title is ‘His Amasona Wife’.
At ang napansin ko rin, parang ang bilis ko yatang magsulat using the First Person POV. Ngayon ko lang napansin, actually. `Yong His Pastime Girl kasi at My Kuya’s Assistant, medyo makapal ang wordcount nila, especially ang MKA, na two books ang kapal, it took me a month para matapos sila. Halos araw-araw, meron akong update sa Wattpad dala na rin siguro ng magandang feedback mula sa readers. Bukod do’n, mas mabenta rin sa readers ang gano’ng POV. Hindi raw kasi sila nakaka-relate kapag Third Person POV na sa PHR naman ay madalas na ginagamit ng writers.
So komportable man ako sa Third Person POV ay bumalik-loob na rin ako sa First Person POV dahil kailangan ko ng market! Kailangang merong tumangkilik ng mga libro ko para magkaroon ng malaking tsansa na i-publish. I’ll do my best na matapos ngayong buwan ang His Amasona Wife dahil isusunod ko pa `yong isang MS ko na one year in the making!


Sabado, Agosto 5, 2017

#AskRussell

Title: #AskRussell

Tuwang-tuwa lang ako noong isang araw nang mag-Twitter ako. May #AskRussell kasi si Russell Reyes ng Boyband Ph. Noong #AskRussell niya kasi the last time, hindi napansin ang tweet ko so I tried my best again this time at hindi na ako nag-e-expect. Tapos nagulat na lang ako na pag-refresh ko, ni-retweet na niya ang tweet ko with a positive reaction from him. Eeeeeh. Kinikilig ako, Bes. Sana sa susunod si Niel at Ford naman ang matanong ko nito at pumayag sila. Ang plano ko kasi, siya na lang ang ipa-partner ko kay Rej sa nire-revise kong novel na ipapasa ko sa Lifebooks. So when I shared the photo on my FB account, nag-comment si Rej na gusto raw niya maka-partner si Russell so why not! ^_^ Hahaha. Hindi ko na kailangang magpaalam.

Sabado, Hulyo 15, 2017

So Much Hapenings

Title: So Much Happenings
Date: July 16, 2017
       So my co-writers and I made this groupchat so that we could talk about anything under the sun. Ang daming ganap sa publishing industry na challenging para sa aming mga hindi kilalang writer.
`Yong MS ko na mag-iisang taon na pero walang feedback kasi akala ng reader iisang MS lang `yon na nabigyan nila ng resulta? Ayon, kinukulit ko na naman. Like, hello! Obvious naman sa magkaibang title! Sana naman this time gawin na nila nang maayos ang trabaho nila, ano? L
`Yong ipinasa kong book 2 ng Love Quest series: Treat You Better with Lee Dong Wook as the hero? Nagkaroon na rin ng confirmation after more than a week. At `yong story kong Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love), sa wakas, approved na rin! Thank you, Lord!

Right now, I’m revising a teenfic novel. Parang ginawan ko lang siya ng ibang version. Epistolary style. Mala-Daddy-Long-Legs ni Jean Webster. Hehehe. I hope I could pull it off. `Yong ibang pending MS ko? Naku, huwag mo nang itanong. Walang asenso, e. Hahaha. Wish me luck pa rin!

Lunes, Hulyo 3, 2017

Accomplished (At Least!)

Title: Accomplished (At Least!)
Date: July o3, 2017


The title. Hahaha. I’m just like ‘wohoo!’ because finally, nakatapos na rin ako ng manuscript at naipasa. It’s my part in a collaboration with other PHR writers. Imagine, July na at ngayon pa lang ako nakapagpasa. Masaya ako kasi nabawasan na rin ng isa ang mga pinuproblema kong manuscript! Nakahinga rin ako nang maluwag, kahit papaano. Si God na lang ang nakakaalam kung ano ang magiging kinahihinatnan ng manuscript ko na iyon. Sana deserving iyon para sa isang ‘A’. Si Lee Dong Wook pa naman ang hero ko doon. Hahaha. Ako na ambisyosa.
Makakapag-focus na rin ako. Without pressure this time. Gusto ko talagang pagbutihin ang mga naka-lineup kong susulatin lalo na at gusto kong subukang magsulat ng isang gothic novel. Hindi ko lang isu-spoil ang iba pa dahil baka mausog. Update na lang ako kung may improvement na ba or whatsoever. Hehehe. Orayt.
I think I should treat myself. Kaso wala naman akong pera. Hahaha. Paano ba ito? Kape-kape na lang siguro? Wala naman akong approved kaya hindi ko mai-treat ang sarili ko ng nachos, pizzawarma at blue lemonade. Approved, bakit ba ang ilap mo?
#LoveQuestseries
#TreatYouBetter
#LeeDongWook

#SharmaineLight

Linggo, Hulyo 2, 2017

Do You Like Kyrie Irving? II





I can’t get enough of Kyrie Irving nga kasi. Hahaha. Mga nanenok ko sa IG account niya. At aaminin ko na, hindi talaga siya ang mga tipo kong lalaki in the physical aspect. But I’m starting to change my mind after witnessing him catching Klay Thompson. I think isa siyang ulirang athlete. ;)

Sabado, Hulyo 1, 2017

Eottoke

Title: Eottoke
Date: July 02, 2017
Isisingit ko lang `tong blog entry ko habang nag-e-edit. Hehehe. Bakit ganito ang title ng post ko? Kasi iyon ang totoo. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil marami ang problema ko tapos wala man lang akong magawa para solusyunan lahat.
Come to think of it, pera lang ang solusyon pero siyempre, hindi naman ako pwedeng mag-magic ng pera kaya… mananatili talaga siyang problema.
Problema ko rin ang feedback sa mga ipinasa kong MS. Malapit nang mag-isang taon ang isang manuscript ko pero wala pa ring feedback hanggang ngayon. Naalala ko noong May, halos araw-araw akong mag-follow up pero wala ni isang reply. Tapos nitong June na, may nag-reply nga pero napagkamalan pang ibang MS na nabigyan na nila ng feedback ang manuscript. And then… wala na ulit. Hahaha. Sa August, isang taon na ang MS ko na `yon. Pangalawa na ito kung saka-sakali. Kasi dati, nagpasa rin ako ng MS na sabi ipa-prioritize daw pero nakalimutan na ng panahon kasama ang feedback. Umasa akong hindi na mauulit, e. Umasa ako. Hindi na nga ako nag-follow up, pinalampas ko na pero… oh, well. May sumpa yata akong kakambal nang ipanganak ako kaya lagi ako ang puntirya ng MS na kinakalimutang basahin at bigyan ng feedback. Tell me, what am I supposed to feel?
Saka `yong isang for revision kong lagpas 3 months na. Talo pa ang MS na first time ipasa. Nag-follow up ako pero walang reply. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa sistema nila. Hindi naman dating ganoon.
July na pero wala pa akong naipapasang MS sa kanila! Astig, `di ba? Daig ko pa nag-hiatus kahit hindi naman ako nawawalan ng MS na isusulat. Itong ine-edit ko ngayon na part ng isang collab, sakaling matapos ko ito ngayong linggo, ito pa lang ang kauna-unahang MS na maipapasa ko ngayong taon. May limang beses na yata akong nag-e-edit dito pero hindi pa rin ako satisfied. Ayoko namang isipin ni Dong Wook na pinapabayaan ko siya kaya hindi ko magawa nang tama. I want an approved this time. I want Dong Wook’s story to be loved by the editor and the readers. Help me, God!
Back to editing na uli ako.

PS. Sana manalo si Manny Pacquiao. Fighting, Senator! J
P.S Talo si Senator. Nakakagulat na nagulat pa ako.

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...