Sabado, Nobyembre 4, 2017

#Unproductive

Date: November 05, 2017
Title: Unproductive
So kailan nga ba ang huli kong blog entry dito? Anyways, `yong mga hinaing ko sa previous posts ko ay wala pa ring pinagbago. Parang mas nag-attract pa nga ng mga sawsawero sa labas. Hahaha. Akala mo naman sila mismo ang directly involved.
So there’s this manuscript na ipinasa ko August 2016 na wala pang feedback hanggang ngayon. Sinubukan kong mag-follow up tungkol do’n months ago at ang sabi lang sa `kin ay naipadala na raw ang feedback last year. Ang malala pa, napagkamalan nilang iisa lang `yong manuscript na ipinasa ko na binigyan nila ng feedback. Inilagay ko pa ngang spin-off `yon ng MS ko na napagkamalan nila. So nag-message ako sa editor-in-chief. Remind daw niya ang reader. Ang sabi naman sa `kin, after MIBF na lang daw ipapadala ang resulta. Anong petsa na? Sana pala tinanong ko kung MIBF 2018? 2019? Hahaha.
So this particular manuscript, My Amasona Wife, is previously published on Wattpad pero in-unpublish ko kasi ang balak ko, i-post `yon sa ibang platform pero wala namang malinaw na aasahan do’n sa platform na `yon dahil hindi namin alam kung kailan ang launching. Tapos binasa ko ulit `yong manuscript. I don’t know. Biglang napangitan ako nang bonggang-bongga. I even had this feeling of disgust with myself. Like, really? Ako talaga ang nagsulat nito? Ito lang ba ang kinaya ko? My goodness! Ang pangeeeeeet!
Aminado naman ako sa sarili ko na malayo ang version na naisulat ko sa kwentong in-imagine ko sa utak ko noon. And the conflict, so ‘eww’. Mema confict! Halatang hindi ko sineryoso ang kwento nila. Minadali ko ang lahat. I am not satisfied with it.
So I decided to rewrite it! From Third Person POV, ginawa ko siyang First Person POV, which is in Mary Cris’ POV. Sinimulan ko noong second week ng October and now I’m on the fifteenth chapter. The wordcount is 29K+ words and well, nahabol ko na nga siya ngayon. I believe malapit na ako sa conflict which is iba na rin. Hopefully, I could pull it off now. By the way, the new title is ‘His Amasona Wife’.
At ang napansin ko rin, parang ang bilis ko yatang magsulat using the First Person POV. Ngayon ko lang napansin, actually. `Yong His Pastime Girl kasi at My Kuya’s Assistant, medyo makapal ang wordcount nila, especially ang MKA, na two books ang kapal, it took me a month para matapos sila. Halos araw-araw, meron akong update sa Wattpad dala na rin siguro ng magandang feedback mula sa readers. Bukod do’n, mas mabenta rin sa readers ang gano’ng POV. Hindi raw kasi sila nakaka-relate kapag Third Person POV na sa PHR naman ay madalas na ginagamit ng writers.
So komportable man ako sa Third Person POV ay bumalik-loob na rin ako sa First Person POV dahil kailangan ko ng market! Kailangang merong tumangkilik ng mga libro ko para magkaroon ng malaking tsansa na i-publish. I’ll do my best na matapos ngayong buwan ang His Amasona Wife dahil isusunod ko pa `yong isang MS ko na one year in the making!


Sabado, Agosto 5, 2017

#AskRussell

Title: #AskRussell

Tuwang-tuwa lang ako noong isang araw nang mag-Twitter ako. May #AskRussell kasi si Russell Reyes ng Boyband Ph. Noong #AskRussell niya kasi the last time, hindi napansin ang tweet ko so I tried my best again this time at hindi na ako nag-e-expect. Tapos nagulat na lang ako na pag-refresh ko, ni-retweet na niya ang tweet ko with a positive reaction from him. Eeeeeh. Kinikilig ako, Bes. Sana sa susunod si Niel at Ford naman ang matanong ko nito at pumayag sila. Ang plano ko kasi, siya na lang ang ipa-partner ko kay Rej sa nire-revise kong novel na ipapasa ko sa Lifebooks. So when I shared the photo on my FB account, nag-comment si Rej na gusto raw niya maka-partner si Russell so why not! ^_^ Hahaha. Hindi ko na kailangang magpaalam.

Sabado, Hulyo 15, 2017

So Much Hapenings

Title: So Much Happenings
Date: July 16, 2017
       So my co-writers and I made this groupchat so that we could talk about anything under the sun. Ang daming ganap sa publishing industry na challenging para sa aming mga hindi kilalang writer.
`Yong MS ko na mag-iisang taon na pero walang feedback kasi akala ng reader iisang MS lang `yon na nabigyan nila ng resulta? Ayon, kinukulit ko na naman. Like, hello! Obvious naman sa magkaibang title! Sana naman this time gawin na nila nang maayos ang trabaho nila, ano? L
`Yong ipinasa kong book 2 ng Love Quest series: Treat You Better with Lee Dong Wook as the hero? Nagkaroon na rin ng confirmation after more than a week. At `yong story kong Ally And The Grumpy Guy (Some Type Of Love), sa wakas, approved na rin! Thank you, Lord!

Right now, I’m revising a teenfic novel. Parang ginawan ko lang siya ng ibang version. Epistolary style. Mala-Daddy-Long-Legs ni Jean Webster. Hehehe. I hope I could pull it off. `Yong ibang pending MS ko? Naku, huwag mo nang itanong. Walang asenso, e. Hahaha. Wish me luck pa rin!

Lunes, Hulyo 3, 2017

Accomplished (At Least!)

Title: Accomplished (At Least!)
Date: July o3, 2017


The title. Hahaha. I’m just like ‘wohoo!’ because finally, nakatapos na rin ako ng manuscript at naipasa. It’s my part in a collaboration with other PHR writers. Imagine, July na at ngayon pa lang ako nakapagpasa. Masaya ako kasi nabawasan na rin ng isa ang mga pinuproblema kong manuscript! Nakahinga rin ako nang maluwag, kahit papaano. Si God na lang ang nakakaalam kung ano ang magiging kinahihinatnan ng manuscript ko na iyon. Sana deserving iyon para sa isang ‘A’. Si Lee Dong Wook pa naman ang hero ko doon. Hahaha. Ako na ambisyosa.
Makakapag-focus na rin ako. Without pressure this time. Gusto ko talagang pagbutihin ang mga naka-lineup kong susulatin lalo na at gusto kong subukang magsulat ng isang gothic novel. Hindi ko lang isu-spoil ang iba pa dahil baka mausog. Update na lang ako kung may improvement na ba or whatsoever. Hehehe. Orayt.
I think I should treat myself. Kaso wala naman akong pera. Hahaha. Paano ba ito? Kape-kape na lang siguro? Wala naman akong approved kaya hindi ko mai-treat ang sarili ko ng nachos, pizzawarma at blue lemonade. Approved, bakit ba ang ilap mo?
#LoveQuestseries
#TreatYouBetter
#LeeDongWook

#SharmaineLight

Linggo, Hulyo 2, 2017

Do You Like Kyrie Irving? II





I can’t get enough of Kyrie Irving nga kasi. Hahaha. Mga nanenok ko sa IG account niya. At aaminin ko na, hindi talaga siya ang mga tipo kong lalaki in the physical aspect. But I’m starting to change my mind after witnessing him catching Klay Thompson. I think isa siyang ulirang athlete. ;)

Sabado, Hulyo 1, 2017

Eottoke

Title: Eottoke
Date: July 02, 2017
Isisingit ko lang `tong blog entry ko habang nag-e-edit. Hehehe. Bakit ganito ang title ng post ko? Kasi iyon ang totoo. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil marami ang problema ko tapos wala man lang akong magawa para solusyunan lahat.
Come to think of it, pera lang ang solusyon pero siyempre, hindi naman ako pwedeng mag-magic ng pera kaya… mananatili talaga siyang problema.
Problema ko rin ang feedback sa mga ipinasa kong MS. Malapit nang mag-isang taon ang isang manuscript ko pero wala pa ring feedback hanggang ngayon. Naalala ko noong May, halos araw-araw akong mag-follow up pero wala ni isang reply. Tapos nitong June na, may nag-reply nga pero napagkamalan pang ibang MS na nabigyan na nila ng feedback ang manuscript. And then… wala na ulit. Hahaha. Sa August, isang taon na ang MS ko na `yon. Pangalawa na ito kung saka-sakali. Kasi dati, nagpasa rin ako ng MS na sabi ipa-prioritize daw pero nakalimutan na ng panahon kasama ang feedback. Umasa akong hindi na mauulit, e. Umasa ako. Hindi na nga ako nag-follow up, pinalampas ko na pero… oh, well. May sumpa yata akong kakambal nang ipanganak ako kaya lagi ako ang puntirya ng MS na kinakalimutang basahin at bigyan ng feedback. Tell me, what am I supposed to feel?
Saka `yong isang for revision kong lagpas 3 months na. Talo pa ang MS na first time ipasa. Nag-follow up ako pero walang reply. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa sistema nila. Hindi naman dating ganoon.
July na pero wala pa akong naipapasang MS sa kanila! Astig, `di ba? Daig ko pa nag-hiatus kahit hindi naman ako nawawalan ng MS na isusulat. Itong ine-edit ko ngayon na part ng isang collab, sakaling matapos ko ito ngayong linggo, ito pa lang ang kauna-unahang MS na maipapasa ko ngayong taon. May limang beses na yata akong nag-e-edit dito pero hindi pa rin ako satisfied. Ayoko namang isipin ni Dong Wook na pinapabayaan ko siya kaya hindi ko magawa nang tama. I want an approved this time. I want Dong Wook’s story to be loved by the editor and the readers. Help me, God!
Back to editing na uli ako.

PS. Sana manalo si Manny Pacquiao. Fighting, Senator! J
P.S Talo si Senator. Nakakagulat na nagulat pa ako.

Linggo, Hunyo 25, 2017

Do You Like Kyrie Irving?

Title: Do You Like Kyrie Irving?
Date: June 26, 2017

Well, as the title says, ‘Do you like Kyrie Irving?’. Aaminin kong hindi ako avid fan ng NBA. Dati tinututukan ko ang UAAP pero eversince nagsipag-graduate na ang mga players na sinubaybayan ko from Ateneo Blue Eagles ay hindi na ako nanood ng mga succeeding seasons ng UAAP. Nakapitong seasons lang yata ako? Hahaha.
Sa PBA naman, well, fan ako ng Purefoods franchise. Pero noong hindi pa umaalis si James Yap. At itong NBA naman, well, mas lalong hindi ko nasusubabayan dahil available lang ito sa cable noon. Until free TV came. 2011 nang maglaban ang Miami Heat at ang Dallas Mavericks for the finals. Kalilipat lang yata ni LeBron James mula Cleveland Cavaliers pero natalo sila. Nakilala ko siya noong highschool ako. Nakikita ko ang mukha niya sa binder ng mga kaklase ko. He must be very popular. E, si Kobe Bryant lang naman ang kilala ko noon, eh. At kilalang team pa noon ang LA Lakers at Boston Celtics. Cleveland is not a familiar team to me. But I found out that LeBron was the top 1 highest paid athlete in the world that time. Like, nalampasan pa niya si Manny Pacquiao.
Sabi ko sa sarili ko noon, hindi nga lang seryoso, ‘Ah, balang-araw, magkakaroon din ng championship ang team na ito sa pamumuno ni LeBron.’ Then 2015 nang mag-champion ang Golden State Warriors sa pangunguna ni Stephen Curry. Hala, sino na naman ang Stephen Curry na ito. Now, my sister and her friends are crazy over the Warriors habang ako ay kung saan si LeBron James, doon ako. Bumalik siya ng Cleveland at nangakong bibigyan ang Cleveland ng championship ring. Which he did in 2016. Inasar pa nga ako ng kapatid ko. Todo-cheer pa ako sa Cleveland e si LeBron lang naman pala ang kilala ko. Which is totoo naman. Hahaha. Para hindi na ako mapahiya, tinandaan ko ang name na Kyrie Irving, Tristan Thompson, Kevin Love, JR Smith.
Kagaya ni LeBron, black din sina Kyrie, Tristan and JR. Ang napansin ko kay Tristan, may dimples. Si Kyrie, makapal ang balbas. Sabi ko, parang medyo hawig sila ni Mark Herras. May hitsura sana kaso makapal ang balbas. Ang lakas makadagdag sa edad. 2016, wow, muling nagharap ang Warriors at Cavs. And this time, Cavs won the championship! Ang saya-saya ko noong time na `yon. Imagine, umabot ng seven games bago sila nanalo. Such a sweet victory.
2017 nagharap uli sila pero natalo ang Cavs. Dito, hindi ko inaasahan na mas maa-appreciate ko si Kyrie Irving. Na-cute-an kasi ako sa handshake ng Cavs bago magsimula ang game. Hindi ako magaling sa pag-describe sa moves ng mga players pero nakakabilib siya. Nakikipagsabayan siya kay LeBron. Ang galing-galing niya. He was even dubbed as the Crossover King. Medyo malungkot ako kasi hindi sila makabawi pero napabilib niya ako nang tulungan niya ang kalabang si Klay Thompson nang bumaliktad ito sa ere. He was caught by his teammate Draymond and Kyrie caught him kahit magkalaban sila. Sabi ko, wow, bait naman ng taong ito. Bihira lang akong makakita ng athelete na tinutulungan ang kalaban kahit kainitan ng Game 5. Tumatak na sa akin ang pangalang Kyrie Irving.
Kahit tapos na ang finals, doon pa lang nagsimula ang pag-ii-stalk ko sa kanya. I found out na kaka-25 lang niya. And at such a young age, he had accomplished a lot especially his promise to his father na tatapusin muna niya ang kanyang degree bago pumasok sa NBA noong 2011 kung saan siya itinanghal na Rookie of the Year noong 2012.
Aside from that,  marami rin siyang talent. Kyrie is such a good dancer! Hindi lang iyon, kumakanta rin siya! He knows how to play the baritone saxophone. He also writes and keeps a journal. Hindi lang iyon, nagbabasa rin siya! Yup, ini-stalk ko lang naman ang instagram niya pati na ang YouTube para lang mag-download ng kahit na ano tungkol sa kanya. `Yong Uncle Drew series na commercial for Pepsi Max, siya lang naman ang nagsulat at nag-direct n’on. Hindi lang iyon, nakapag-guest din siya sa isang Disney Show na ‘Kickin’ It’ kung saan papanoorin ko pa lang. Hehehe. Imagine kung hindi siya naging magaling na basketball player, may kalulugaran pa rin naman siya sa Hollywood industry. By the way, he has a daughter with his ex-partner and had a relationship in early 2016. Pero sa kasalukuyan ay single daw siya. Ako na ang chismosa at dakilang stalker pero ganoon talaga ako, eh. Hahaha.
I kinda feel ecstatic and sad, though. Hindi ba ang weird ko? Ano ba ang common sa mga nagiging crush ko? Hindi lang basta gwapo, meron ding ibang talent na itinatago. Charlie Puth, Takeru Sato, Lee Dong Wook, Danny Schwarz and now, Kyrie Irving!
Yes, I am fangirling over Kyrie Irving right now at nalulungkot ako dahil kahit ganito na ang edad ko, dinidibdib ko pa rin ang pagiging unreachable ng mga taong hinahangaan ko. Like, I can fantasize Kyrie Irving all I want pero hanggang doon na lang iyon. Nandoon siya, nandito ako. Ganito ang buhay niya, ganito naman ako. Simply impossible, right? I can’t help but feel jealous with the people around him who can see him, talk to him and date him. I know I should mature by now pero kakaiba lang talaga si Kyrie Irving. He might not be the typical mestiso American or Asian I fangirl but he is simply good-looking as he is. Promise, ang gwapo ni Kyrie Irving. Hahangaan mo talaga siya bilang tao at bilang atleta.

At kung sino man ang babaeng makakatuluyan niya, huhuhu, aray, binibiyak ang puso ngayon pa lang kapag iniisip ko, ay maswerte. Well, ano pa bang dapat kong ipag-alala bukod sa gano’n din naman, tatanda rin akong dalaga. Hahaha. Susubaybayan ko pa sa mga susunod na araw si Kyrie Andrew Irving. Do you like Kyrie Irving? Because I love him. J

Huwebes, Hunyo 8, 2017

HOPELESS (June 08, 2017)

Date: June 08, 2017
Title: HOPELESS
Annyeong!
Yup, somehow ay buhay pa naman ang blog kong ito. It’s just that I’ve been struggling for the past few months. Kailan ba ang last post ko? Last November? Tss. Pasensiya na po. J
What am I into lately? KDramas, of course! The sparks between Lee Dong Wook and I have been rekindled after watching #Goblin with Gong Yoo, Ji Eun Tak and Yoo In Na. Ang hirap mag-abang ng updates lalo na at 2 episodes per week lang ang inilalabas ng tvN. It ended last January and now, it’s being aired on free TV and dubbed in Tagalog. It’s truly ground-breaking and definitely one of my favorite KDramas of all time. (Bukod doon, marami rin akong napanood na KDramas including Hwarang, Strong Woman Do Bong Soon, Blade Man, etc, and my latest favorite is Chicago Typewriter.)
After ko manggaling sa Sagay, umuwi na rin ako sa amin. I’m reunited with my favorite brother and tried hunting for jobs but I failed. Nag-away na naman kami ni Mama because kailangan kong i-turn down ang trabaho dahil may Sabado. Nasa Kuwait na si Mama ngayon at nahihirapan siyang maghanap ng employer doon. Ako naman, nakapagtrabaho rin ako sa opisina ng nagbigay sa akin ng scholarship. I had no choice kasi kailangan naming kumain para mabuhay. Nahirapan akong mag-adjust. Akala ko, magiging okay na. Kaso 2 weeks na lang sana bago ako mag-three months, they decided to stop my training kasi nakahanap na sila ng mas qualified na employee. Kaya heto ako ngayon, tambay.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong umiwas sa mga toxic na tao sa bahay pero hindi ko naman alam kung papaano. Wala akong trabaho, walang pera. Madalas akong nade-depress. Sa ngayon, may pinagkakaabalahan akong online job sa tulong na rin ng mga kaibigan ko. The financial struggle is real and the blame is on me. Kaunti na lang talaga, masisiraan na ako ng bait.
About naman sa writing career ko? My first collaboration with my co-PHR writers went well. Gazchela Aerienne is very prolific. Ang dami na niyang published books and she has tried all genres na rin. The other, Miss Camilla, literally the most prolific writer of PHR. Imagine how overwhelmed I am to work with one of the most popular PHR writers, sobrang masipag, sobrang talented. Kailan ko kaya maabot ang level nila? Huhuhu.
Excited ako sa paglabas ng collaboration namin. Sana soon na. Saka hinihintay ko rin ang paglabas ng iba ko pang approved. Lately, sooooooobrang tagal ng confirmation ng manuscripts pati na ang evaluation. Kung magpa-follow up ka naman, halos wala ring sasagot sa`yo. Nawawalan na ako ng gana, actually, pero alam kong hindi ako pwedeng sumuko.

Hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng pagkakakitan. I want to start a T-shirt printing business but I can’t get it right. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan pa kakapit. Tumaya na lang kaya ako sa lotto?

How My 2017 Went

I survived it. Dapat na `kong maging thankful do'n, `di ba? God sustained me. :) I don't think I'm worth it but that make...